Bakit Crispin at Basilio ang pangalan nong mga magkasintahan na tinawag nong nanay sa commercial ng EQ?
First, magkapatid si Crispin at Basilio. Second, lalaki si Crispin. Third, kahit sabihin nilang commercial lang iyon o iniba lang nila ang interpretation, mali pa rin. Kasi, halimbawa, isa pa akong bata na walang ginawa kundi ang maglaro, walang kaalam-alam tungkol kay Basilio at Crispin kundi ang pangalan lang nila mismo, papaniwalaan ko na babae si Crispin at magkasintahan sila. Dahil ganoon kalakas ang epekto ng media sa mga bata.
At kapag dumating ang panahon na pag-aaralan nila ang Noli Me Tangere at malaman ang katotohanang ipinagkait sa kanila ng commercial na iyon. Masisira ang imagination nila about kay Crispin at Basilio at magiging dahilan na naman ito para: (una) sabihin nilang 'lahat ng tao, manloloko, pati TV' at (pangalawa) hindi sila maniniwala na mayroong forever. Tsk. Tsk.
Ginawa ko 'to last February or March? I dunno. Basta early of 2015 ko 'to ginawa. Almost 2 weeks ko ng napapanood ang EQ Commercial na iyon nang isinulat ko 'to. Everytime na napapanood ko siya sa TV, may narerealize ako. Ang tinatawag nong nanay ay 'yong dalawa niyang anak na natutulog. Kaya lang parang ang nai-portray ni nanay is tinatawag niya yong couple. Dinugtungan pa niya ng "Ang mga anak ko!" O di ba? Parang ang labas, humihingi si nanay ng tulong don sa couple named Basilio and Crispin.
Ang pinaglalaban ko dito, hindi ko rin alam. Basta inis ako sa commercial na yon.
