RToM #9 Disadvantages of having BBF

23 0 0
                                        

Sabi nila, masaya sa pakiramdam na mayroon kang lalaki na bestfriend.

Totoo.

Sab nila, magiging kwela ang buhay mo kapag may lalaki kang bestriend.

Totoo.

Sabi nila, mas masarap magkaroon ng boy bestfriend kaysa babae dahil walang plastikan sa kanila. Payabangan nga lang. Haha.

Totoo.

Sabi nila Kapag may bbf ka, para ka na ring may boyfriend.

Totoo.

Sabi nila, Kapag may bbf ka, mahirap kang ligawan dahil kabisado mo na ang galawan ng mga lalaki. Hindi ka na madaling maloko.

Totoo.

Paano ko nalaman? Cuz I have boy bestfriends.

It is true na masaya, masarap, kwela, nakakagaan ng buhay ang pagkakaroon ng lalaking bestfriend. May tiga-libre ka. May tiga-bitbit ng gamit mo. May maaaway ka. May makukulit. May maaasar kapag bored ka. May masusuntok, masasampal, masasabunutan, makukurot at masisipa tuwing kinikilig ka, inis ka at, well, kahit kelan mo gustuhin, kung kelan mo 'feel'. Haha. Perks of having a boy bestfriend, ika nga.

Pero tulad ng kahit anong bagay dito sa mundo, may disadvantages rin ang pagkakaroon ng bbf.

Una, mahihirapan kang magkaroon ng manliligaw dahil aakalain nilang boyfriend mo ang bestfriend mo o di kaya ay in love ka sa kanya.

Pangalawa, araw-araw kang maiinis dahil sa bawat araw na ginawa ng Diyos, lalaitin ka niya kung gaano ka kapandak, kaitim at higit sa lahat, kung gaano ka kapangit!

Pangatlo, jealousy. In love ka man sa kanya o hindi. Aminin mo man sa sarili mo o hindi, may namumuong selos sa kaloob-looban mo tuwing may nililigawan siya o di kaya ay girlfriend. Bakit? Dahil nawawalan siya ng oras para sayo. Kung dati kayo ang nagsasabay tuwing uwian, ngayon si gf na. Kung dati palagi kayong magkasama, ngayon hindi na.Bestfriend ka lang e, girlfriend siya. Anong laban mo?

Pang-apat, instant enemy. Dahil babae ka, may 101 % tendency na pag-selosan ka ni gf. Hindi ka papansinin kahit na magkasalubong kayo o kung papansinin ka man niya, nanlilisik naman ang kanyang mga mata. Papatamaan ka sa fb, will post a status saying, "Bestfriends na mahal ang isa't isa? Uso yan ngayon!" O 'di kaya, "Bestfriend lang daw? Pwe!" Sus. Utot mo.

Pang-lima, sasakit ang tiyan mo kakatawa and at the same time, tataas ang altapresyon mo sa inis tuwing brokenhearted siya. Tatawa dahil sa wakas, wala na sila ng bruhildang gf niya. Hahaha. Di, biro lang (kahit hindi naman talaga), tatawa ka dahil sa sobrang drama niya, nagmumukha na siyang bakla. Mainis dahil nasasaktan siya ng sobra and you can't do anything about it kahit pa mapatawa mo siya ng ilang beses.

The quotation about having a life with less drama when you have a boy buddy is not true. Mas marami lang ang kwela moments niyo kaya inakala mong konting drama lang ang mayroon sayo. Sa ilang taon ko ng pakikipag-agawan ng oxygen dito sa planet earth, halos sampung lalaki na ang nakita kong humagulgol. Isa na doon sib bbf #1 na sobrang hirap patahanin mula sa bonggang pag-iyak dahil pinagalitan ng research adviser namin. Pati na rin ang aking cute (self-proclaimed po iyan) na papa tuwing nagsusumbong na parang bata kay nanay at tatay (lola at lolo ko).

Alam niyo kasi, kahit gaano pa kamukhang bato at gago ang mga lalaki, may tinatago ding kadramahan ang mga 'yan. And they will only tell it to you if they trust you with all their muscles, nerves, tissues, testosterones, and sperm cells. And I'm telling you, hindi sila madaling magtiwala.

There is a lot of disadvantages in having a boy bestfriend, yes, pero overwhelming pa rin sa pakiramdam na you have at least one or two. Dahil bukod sa lolo, papa, kuya at li'l bro mo, may isa pang lalaki-kahit hindi mo kadugo-na nagmamahal, nagpoprotekta at nagtitiwala sayo.

Random Thoughts of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon