Sabi ng Filipino teacher ko na papangalanan kong Ms. Mabait na Pinto, may nabasa raw siyang isang pocket book na nagsasabing maraming beses kang magkakasala pero minsan ka lang magsisisi.
Ipinaliwanag niya na kapag unang beses mo pa lang na iko-commit yung mistake, pagsisisihan mo talaga. PERO, kapag inulit mo ito nang inulit, hindi ka na magsisisi.
Bakit?
Kasi alam mo ng mali e, pero inulit mo pa rin. Kagustuhan mo 'yon kaya bakit ka magsisisi? E nakuha o nagawa mo na ang gusto mong makuha o magawa. You're already satisfied.
And once you said, "Ayoko na. Tama na," and you really stop doing that wrongful doings of yours, maybe, that's the time kung saan ka talaga nagsisi. (Or maybe, nagsawa ka na.) Hindi mo masasabing nagsisi ka ng sobra noong una mong ginawa 'yon kasi umulit ka.
Katangahan.
Kapusukan.
Addiction.
Ang hirap labanan.
