RToM #12 Ikaw, Kabataan

20 0 0
                                    

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."

Isang kasabihang iminutawi ng ating pambansang bayani. Isang kasabihang pinilahan na sa takilya at sawa ng pakinggan ng masa. Isang kasabihan na may karugtong na katanungan.

Bakit nga ba ang kabataan ang pag-asa ng bayan?

Alam niyo ba? Alam mo ba? Alam ko ba?

Hindi ko direktang masasabi ang kasagutan dahil ako mismo ay naguguluhan. Isa lamang akong hamak na kolehiyala. Wala pa sa kalahati ang natahak kong daan patungo sa aking pangarap. Isang estudyante at isa sa mga Pilipinong sumisigaw ng "Ako ang simula!" kahit na hindi ko pa lubos na maintindihan kung saan ako magsisimula.

Bilang isang magaaral, alam kong marami akong kaya at dapat gawin hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa ating lipunan , ngunit alam ko rin na hindi sapat ang aking kasalukuyang kakayahan upang maabot ang napakataas na ekspektasyon ng mga nakakatanda.

Nandito ako ngayon sa inyong harapan, nagsasalita, nagtatalumpati upang masagot ang katanungang ibinigay ng aming propesor, "Bilang isang magaaral, paano ka makakatulong sa pag unlad ng bansa?" Katulad ng aking sagot sa naunang katanungan, hindi ko rin alam. Huwag na tayong magkunwari na alam natin ang ating gagawin upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa gayong estudyate pa lamang tayo. Mag-aral ng mabuti para makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap?Maging mabait na anak? Tumulong sa kapwa tao? Bumili sa mga groceries, fastfood chains, malls at iba pa para makadagdag sa buwis? Maging mabuti at masunurin na mamamayan ng Pilipinas? Ganoon ba? Siguro. Hindi ako sigurado, dahil kung iyan nga ang maitutulong natin upang lumago ang ating bansa, sana ay matagal na nating nakamit ang rurok ng tagumpay at matagal na nating nakamtan ang hinahangad nating maunlad na Pilipinas. Marami na ang mga Pilipinong grumadweyt. Mas malaki ang porsyento ng mga mababait na anak, mabubuti at masunuring mamamayan ng bansa, ngunit bakit hanggang ngayon ay nasa "papaunlad" pa lang tayo? Kasalanan ba nating mga kabataan? Kasalanan ba nating mga estudyante? Hindi at oo. Hindi, dahil hindi natin kasalanan kung bakit maraming mga buwaya sa Perlas ng Silangan. Oo, dahil nananatili tayong tahimik kahit na alam natin na ang mga buwayang iyon ang patuloy na nabubusog habang tayo ay isang kahig, isang tuka.

"Kabataan ang pag-asa ng bayan."

Isang kasabihang iminutawi ni Jose Rizal. Isang kasabihang nakatatak na sa isipan ng bawat Pilipino. Isang kasabihan na dapat mong patunayan. Sa papaanong paraan? Ikaw lang ang nakakaalam.

---
I had written this piece for my friend because of her Filipino professor's 'kaekekan sa buhay'.

Random Thoughts of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon