RToM #5 Wag Ganun

11 1 0
                                    

Naranasan niyo na bang mainis ng bongga dahil parang lahat ng tao naghihintay sa ibibigay mo? Nakakainis to the point na gustong gusto mo ng magmura? Kasi ako, oo. At isinusulat ko ito ngayon dahil iyan mismo ang nararamdaman ko. Nakakainis. Lecheflan lang!

Kapag may pera, andyan sila, mangungutang, magpapalibre, tatanungin kung nasaan ang balato! Like seriously? Bakit sila ba ang naghirap? Sila ang nanalo? Leche naman.

Hindi sa nagdadamot ako, ano. May paglalaanan kasi ako sa pera na iyon. Meaning, before ko pa matanggap ang pera na yun, nakalatag na ang listahan kung saan ko ito ilalagay! At wala sa listahan na yun ang panglilibre, pagpautang, at pagbabalato! Nakakairita lang kasi!

Leche! Nagcha-charge na nga ako sa bangko dahil below limit na ang pera ko dun, tas ibibigay ko pa sa inyo yung pandadagdag ko? Ano kayo, siniswerte? Sobra na kayo. As in sobrang sobra na, feeling inaabuso niyo na ang kabaitan ko. Naks.

Random Thoughts of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon