RToM #4: Love the Negative

13 1 0
                                        

3rd year high school ako nang nagkaroon ng boyfriend/girlfriend ang ilan sa mga kaklase ko. 19 lang kaming magkakaklase noon kaya close kaming lahat sa isa't-isa. Lalaki man o babae. Walang ilangan. Walang malisya. 'Pag may boyfriend o girlfriend ka, kailangan iharap mo sa amin dahil kailangan niyang umupo sa hot seat.

So, yung isa kong kaibigang babae, naging boyfriend niya yung anak ng Algebra teacher namin nung 2nd year. Pinaupo namin sa hot seat si boy. Tanong lang kami ng tanong. Hanggang sa magbigay kami ng kung anu-anong advices. Naaalala ko pa noon na kasama namin sa pagi-interogate si sir Algebra. Sabi niya, "Kapag minahal mo ang positive side ng isang tao, kailangan mo ring mahalin ang negative side niya."

Kung mahal mo ang isang tao, you need to accept every detail of his/her story. Malaki man o maliit. You need to love all the imperfections na taglay niya. Lahat ng insecurities, kasungitan, kalokohan, kabaliwan, kagagahan, katangahan, kapangitan at kung anu-ano na taglay niya ay kailangan mong tanggapin at pakibagayan. Anong magagawa mo? Mahal mo e.

Isipin mo na lang na ikaw si Zero at hinding hinding hindi ka makukumpleto kapag walang negative integer sa buhay mo.

Random Thoughts of MineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon