Hey Siri, play 'Head in her heart'
by: Nico Collins
"LEIIII!!!" Tili ko pagkakita ko sa kanya. Tinabunan niya ang mukha niya na para bang hindi niya ako nakita at dalidali tumalikod. "HOY LEILA!!" Sigaw ko sa kanya. Naramdaman kong marami ang naka masid sa akin kaya inayos ko ang postura ko at tumikhim. Nakakahiya!
Naglakad ako ng marahan papunta ka Lei, taas noo. Siniko ko siya. At tinignan niya ako ng masama "Nakakahiya ka talaga kahit kailan Claire!" Bulong niya.
Hinawakan ko siya sa braso. "Sorry na! Na excite lang talaga ako kasi ma chika ako sayo!" Excited kong sabi. I can't wait to tell her what happened kanina!
"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya. Tumalon ako at impit na tumili. Kumunot ang noo niya. "Hoy! Alam mo iiwan talaga kita dito. Hindi kita kilala" akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya.
"Kinausap ako ni Liam! Akalain mo yun Lei?! Dream come true Lei!" umaakto pa akong umiiyak sa saya pinupunasan ko pa ang fake tears ko. Binatukan niya ako.
"Ayan ka na naman sa ilusyon mo na yan. Gising ka na! May mahal ng iba yung tao!" Asar niya.
"Hindi! Totoo talaga to swear! Hindi na to pareha sa day dreams ko promise cross my heart hope liam die-- este hope you die- ARAY!" hinimas ko ang batok ko sa sakit na pag batok niya sa akin. Ang sakit ha!
"Gaga ka talaga! Dinadamay mo pa ako jan sa imagination mo! Alam ko namang gawa gawa mo nanaman yan! Hay nako! Sobra ka pa sa mga hopeless romantic na mga kakilala ko" napailing siya. Naglalakad na kami sa corridor patungo sa aming room.
"Totoo Lei! Hindi kita jino-joke time! Kinausap niya talaga ako sabi pa nga niya 'I'll see you around' like OMG IS THIS REAL?!" Impit na naman akong napatili ng tinulak ako bahagya ni Lei para matauhan na maraming studyante ang nakakasalubong namin.
"Yun lang sinabi niya?" Asar niya sa akin. "Akala mo naman manliligaw na sayo diyan ka na nga!" sabay lakad niya ng mabilis papunta sa room.
"Duh! That was Liam Alexis Javier what do you expect me to react??" Sabi ko sa kanya habang hinahabol siya papasok sa room.
"Hello?" Sagot ko sa tawag ng unknown number. Nasa condo namin ni Liam na ako ngayon.
"Hi? Is this Claire?" Sabi ng baritonong boses sa kabilang linya.
"Yes po?" Bakit may tumatawag sa akin 11:30 ng gabi? Inaantok na ako pero hinihintay kong umuwi si Liam baka lasing na lasing na iyon.. Kumakalam pa ang sikmura ko sa gutom. Gusto ko sana sabay kaming kumain...
"Can you get Liam here? He's so fucking wasted" Sabi ng lalaki. Nanlaki ang mata ko. Lasing na lasing nga si Liam! "I'll text you the address Bye" binaba niya kaagad ang tawag.
Dalidali akong nag ayos, simpleng sweatshirt at jogger ang sinoot ko at dalidali kong pinuntahan ang address na tinext ng lalaking tumawag sa akin. Alalang alala ako baka anong mangyari sa kanya.
Nag taxi nalang ako kasi dala naman ni Liam ang sasakyan niya.
Nang nakarating na ako sa bagong bar ng kaibigan ni Liam dalidali akong pumasok At hinanap ang vip room kung asan sila nakatambay magkaibigan.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad siya..
He's dancing with a sexy girl right now. Tumatawa pa siya halatang masayang masaya. Pero alam kong lasing na lasing siya kaya siguro akala niya ako ang kasayaw niya. Oo tama.
Maraming beses na ito nangyari pag lasing na lasing na siya ay ganito palagi ang nadadatnan ko pag tinatawag na ako ng ka tropa niya. Ayaw niya kasi akong isama baka daw mapano ako. Okay lang naman sa akin kahit masakit sa puso na makita siyang may kasayaw na iba Pag sinusundo ko na siya. As long as he won't bed her. That would be fine for me. Basta hindi niya lang ako iiwan.
YOU ARE READING
His Biggest Regret (COMPLETED)
RomanceThe girl who loved him more than she loved herself, Is in love with someone else now. The girl whom he thought he would marry, Is going to get married to someone else now. The girl whom he thought will stay by his side always, Is staying on someone...