Hey Siri, play 'Closure'
by: Faime
Nagising ako sa isang puting silid. I looked around the four sides of the room. I'm at the hospital. I feel deja vu while remembering what happened earlier.
Bumukas bigla ang pinto at iniluwa doon si Liam.
Kinabahan ako agad ng makita siya. And Leo! Oh my god! Hindi ko agad siya napuntahan! Ano na kaya ang nangyari sa kanya! Napahawak ako bigla sa tiyan ko, baby? Nandiyan ka pa naman diba? Huwag kang bibitaw please. Kapit ka lang kay Mommy. Pupuntahan natin si Daddy.
Muli kong tinignan si Liam na blankong naka titig sa akin.
"WHat happened?? Okay lang ba ako? Anong sabi ng doctor? Okay lang naman ang baby ko diba? Baby namin? Si Leo? Ano na ang nangyari? Saang hospital siya dinala? Okay naman siya?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Kahit na galit ako sa inaasal niya kanina, wala akong ibang mapagtanungan kung okay lang ba si Leo at si baby. Mukhang siya naman ang nagdala sa akin dito. I should thank him though for bringing me here immediately.
Nagbaba ng tingin si Liam. "Leo was rushed in this hospital, and the baby is okay. But the doctor said you should rest. The cause of bleeding is extreme stress." I sighed in relief for my baby, pero nag-aalala pa din ako kay Leo!
"Okay lang ba siya?" Tanong ko muli.
"I don't really know, galing lang ako sa doctor mo kanina." He told me.
Hindi na ako nagsalita pa. Maybe I should ask him if pwede na akong lumabas at puntahan si Leo? Tinignan ko si Liam. Nagtaas muli ng tingin si Liam sa akin at dumapo ang mata niya sa tiyan ko.
"I'm sorry." He quietly said.
Napatitig ako sa kanya sa sinabi niya.
"I.. I'm really sorry. Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka dinugo kanina.. Hindi ko sinasadya.." Napansin kong nanginig ang boses niya.
Tumikhim ako bago nagsalita. "Okay lang.. Pero Liam pwede bang huwag mo nang ipilit ang tayo?" Mahinahong sabi ko sa kanya. Napakuyom siya ng kamao.
"Magkaka-anak na kami ni Leo, sana naman itigil mo na. I'm trying to be civil with you for Yandra. Kahit gusto kong magalit sayo ngayon, wala namang patutunguhan ang galit ko eh. Gusto ko nalang maging masaya na walang sama ng loob sa kahit na sino. Gusto ko ng maging malaya sayo ng tuluyan. Palayain mo na ako Liam." Umigting ang panga niya at umiwas lang siya ng tingin sa akin.
"Alam mo, noong pumunta ako sa Switzerland, noong mga unang araw ko doon, sobrang na mi-miss kita. Kahit nakaramdam na ako ng kapayapaan at nakahinga na ako mula sa pagkakasakal, na-mi-miss pa din kita. Iyak lang ako ng iyak gabi gabi sa mga nasayang natin na ala-ala. Kasi, alam mo yon, pinag-planuhan ko na yung future natin eh. Ikaw yung nakikita ko noon na makasama habang buhay. Pero hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa." Napapikit ng mariin si Liam. Para siyang nasasaktan sa sinabi ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Hindi ko alam kung minahal mo ba ako noon pero alam mo naman diba na mahal na mahal kita noon? Iniintindi kita palagi. Kahit nasasaktan na ako sa ginagawa mo lalo na pag lasing ka, isinawalang bahala ko lahat. Kasi mahal na mahal kita eh. Kahit ni minsan hindi mo sinabi sa akin na mahal mo din ako." Pumiyok ang boses ko, naalala ko naman ang sakit na dinanas ko noon.
Someone should really build a statue about me for being that martyr! Grabeng katangahan yon! Natatawa nalang ako pag naalala ko ang ginagawa ko noon. Pero naaawa din ako para sa sarili ko pag naalala ko iyon. Ngayong alam ko ang halaga ko, alam ko na hindi ko deserve lahat ng iyon.
YOU ARE READING
His Biggest Regret (COMPLETED)
RomanceThe girl who loved him more than she loved herself, Is in love with someone else now. The girl whom he thought he would marry, Is going to get married to someone else now. The girl whom he thought will stay by his side always, Is staying on someone...