CHAPTER 13

35 3 0
                                    


Hey Siri, play 'Love is Gone'
  By: SLANDER ft. Dylan Matthew


Para akong tanga na humihikbi sa taxi, hindi ko na nagawang sumakay sa sasakyan ko nagmamadali na kasi ako, hindi na ako nakapunta sa parking lot dahil sa pagkakataranta ko. Di bale ipapakuha ko nalang yon sa Kuya ko.

Hindi ko talaga alam saan ako pupunta wala naman talaga akong bahay na akin. Siguro kina mama nalang ako uuwi. At the end of the day si Mama pa din ang kailangan ko.

Si Manong naman palagi sumusulyap sa akin sa rear view mirror, halata naman na nag aalala siya sa akin. Hindi niya natiis may nilahad siyang panyo sa akin.

"Hindi ko yan nagamit hija. Punasan mo iyang mga luha mo pumapanget ka na." Napanguso ako sa sinabi niya ngunit kinuha ko naman ang panyo. Comforting words ang gusto ko marinig manong! Hindi insulto!

"Anong nangyari sa inyo ng boypren mo? Bakit nagmakaawa yon?" Pagbukas niya ng usapan. Naramdaman siguro niya na kailangan ko ng mapaglabasan ng sama ng loob.

"Pagod na kasi akong mahalin siya Manong. Pagod na akong magtiis at umintindi. Kaya umalis nalang ako. Sarili ko naman muna. Sobrang Nakakaubos.." Natahimik kami ng ilang segundo sa taxi bago tumikhim si manong at nagsalita ulit.

"Alam mo, iyang pag-ibig unpeyr talaga iyan. Kaya hindi kami nagkatuluyan ng pinakamamahal ko noon eh." Kuwento niya, Sml manong? Charot. Pinakinggan ko nalang siya habang pinupunasan ko ang mga luha kong patuloy na pumapatak.

"Alam mo noon, sobrang wala akong kwentang lalaki, gago, babaero. Hindi man halata sa mukha pero totoo iyan walang halong biro. Iyong pinakamamahal ko naman Maganda, hanggang ngayon siyempre walang kupas. Noong niligawan ko siya noon hindi ako seryoso kasi laro lang sa akin lahat eh. Naging kami siyempre! At iyong pinakamamahal ko naman mahal na mahal ako. Ayon noong plano ko na sanang mag seryoso sa kanya kasi nahulog na talaga ako kaso ang malas. Nasakanya na kasi lahat, mabait, maalaga, mapagmahal. Pero alam mo yun. Kung kailan ka naging handang magbago para sa kanya saka naman siya napagod." Mas lalong sumakit ang puso ko sa kinukwento ni Manong ngayon ano ba naman yan!

"Kaya ayon, pinilit ko siyang bumalik sa akin, nagmakaawa ako, pero wala na eh. Napagod na siya sa akin. Iniwan na niya ako. May iba kasing nakakita sa kanya at pinahalagahan siya, habang ako sobrang gago sa kanya. Unpeyr talaga ang pag-ibig. Simula nang iniwan niya ako nawalan na ng saysay ang buhay ko. Iyong hindi mo na alam ang dapat mong gawin at kung anong direksyon ka ba dapat patungo. Pero masaya naman na siya sa pamilya niya ngayon. Kaya masaya na din ako para sa kanya. Sadyang ako nalang ang hindi maka-usad." Ngumiti ng malungkot si Manong.

Eto naman si Manong imbes patawanin o pangitiin ako mas lalo akong pinapaiyak!

"Kaya kung ano man iyang problema mo sa boypren mo, kung iyan ang dahilan na mawalan ka ng pagmamahal sa sarili, iwan mo na. Huwag na huwag kang manatili sa relasyon na ikaw lang ang lumalaban. Ang mga taong gaya mo dapat alagaan at mahalin ng sobra. Kapag alam mong binigay mo ang lahat sapat na yon. Iwan mo na. Hayaan mong magsisi siya at maramdaman niya ang naramdaman ko. Para marami na kami." Napatawa ako sa sinabi ni Manong.

"Ayan! Ngumiti ka na! Siya ang nawalan, palagi mo yan tandaan! Swerte na nga siya at may babaeng kaya ibigay lahat sa kanya, pero hindi niya pinalagahan. Ikaw nawalan ka lang ng manloloko. Siya, nawalan nang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo. Kaya huwag ka ng umiyak, hija! Hindi siya kawalan." Ngumiti sa akin si Manong.

Nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba. Nandito na ako sa bahay ng parents ko. It's been a long time since nakauwi ako dito.

Hindi na nag abala ang guard na tanungin ako at pinagbuksan lang niya ako agad ng gate, kilala naman niya ako. Hindi naman malaki ang bahay namin pero dahil gusto nina Papa na secure palagi si Mama pag siya lang at ang katulong ang nandito sa bahay kaya kumuha sila ng dalawang security guards, isa sa umaga at isa sa gabi.

His Biggest Regret (COMPLETED)Where stories live. Discover now