CHAPTER 7

35 4 0
                                    


Hey Siri, play 'Somebody out there'
  by: A Rocket to the Moon

Nandito na kami ni Liam sa isang 5 star hotel kung saan gaganapin ang charity ball. Maraming tao ang nakamasid sa amin, siguro dahil first time nilang makita ang kilalang Civil Engineer sa isang malaking kompanya na may kasamang date sa event.

Hindi kasi ako sinasama ni Liam noon sa mga events na dinadaluhan niya kaya first time ko din makapunta ng charity ball.

"Can we dance?" Excited na sabi ko kay Liam. Excited ako kanina papunta dito sa charity ball na ito kasi excited akong makasayaw si Liam. also excited din akong makita ng mga tao na may girlfriend na si Liam.

Lumingon siya sa akin, Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Why?"

Hilaw na ngumiti ako. "I just want to experience dancing in a ball you know."

Maraming tao na ang nagsasayaw sa gitna, ang sweet nila tignan dahil mellow din ang music. Gusto ko din ng ganoon. Nakaka-inggit.

Tumayo siya. Nagulat ako ng nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"F-for real?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.

"You want to dance or not? Come on." malamig na sabi niya at hinuli ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa gitna upang sumayaw.

Ilalagay ko na sana ang kamay sa balikat niya ng may biglang mag ring. Ang cellphone niya. Sumenyas siya ng sandali at inexcuse ang sarili upang marinig ang kanyang katawag. Okay lang sana pero.. Nakita ko ang pangalan ng tumawag.

Si Aya..

Mapait ako ngumiti. Ang saya ko lang kanina ah? Sinasaktan na naman ako ngayon. Yumuko ako nahihiya sa mga sumasayaw sa paligid ko. May nakatingin pa sa akin na tila ba naaawa kasi iniwan ako sa gitna ng boyfriend dahil sa isang tawag lang ng first love niya.

Aalis na sana ako ng may humablot sa braso ko.

Nilingon ko ito. "Can I have this dance?" Mapaglarong ngisi niyang tanong sa akin.

Inirapan ko siya. Ngumisi lang ito lalo at nilahad ang kamay niya. Pinwesto niya ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat niya. Nilagay niya ang kaliwang kamay sa bewang ko. At hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. He stared at me.

He's wearing a white long sleeves polo under his black suit. Hindi pa naka butones ang dalawang buttons sa polo niya at ang suit niya ay hindi din naka butones. He look dashing tonight.

"C'mon I don't want to see you hurt because of my cousin, Claire. So let's dance okay?" Tumango ako at yumuko sumasabay kami sa beat ng music.

Alam kong nakatitig lang siya sa akin tila inaalam kong ano ba ang nararamdaman ko at anong nasa isip ko.

I was wearing a Long champagne silk backless dress that hugs my figure perfectly with a slit on my right legs.

"You look so beautiful tonight." bigla niyang sambit. Sa gulat ko ay napatingin ako sa kanya na namimilog ang mata. Hindi ko din maintindihan pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na sinabihan niya ako ng maganda. Nawala ang ngisi sa labi niya. Ang mata niya ay puno ng emosyon.

"But you look more beautiful if you're you Again." Seryosong sabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"You don't deserve this, Claire." Usal niya. "You're not you anymore because you love him too much. It's not healthy."

"You're losing yourself.." Nanlamig ako sa sinabi niya.

His Biggest Regret (COMPLETED)Where stories live. Discover now