Crime 24

64 2 1
                                    

Pagkatapos ng klase ko ay agad na akong dumiretso sa Condo ni Cyrus. Inimpake ko lahat ng mga gamit ko. Aalis na ako. Gusto kong maging successful 'tong plano kung 'to kaya kahit mahirap at risky ay kailangan kong umaksyon.

Hila-hila ko na ang isang bagahe na syang tanging dala ko ng dumating ako dito. Pinagmasdan ko ang kabuohan ng Condo ni Cyrus. Mamimiss ko 'to. Ang lahat dito. Yung ipinagluto ko si Cyrus at yung minsang mga pagbisita nya sakin dito.

Stop the drama, Sheer. Hindi ka talaga magsisisi sa gagawin mong 'to. I closed the door and walks toward the elevator.

I haven't told Cyrus about this. I don't even leave some messages in the condo. Tiyak magugulat yun at HAHANAPIN nya ako!

Nagbaya ako sa driver at lumabas na ako ng taxi. I roam my eyes to the mansion in front of me. I miss this house. I took a deep breath bago ako nag doorbell.

To the third bell ay may nagbukas na ng gate.

"Sino po si...la?- SHEER!" Agad ako sinalubong ng mahigpit na yakap ni ate Shara ng makita ako.

"I miss you!" She said while kising my head.

"Ano ba yan! Para naman akong lola mo nito." I joked at kunwaring pinupunasan ang ulo kong hinalikan nya. "I miss you too, ate."

Naramdaman ko ang pagngiti ni ate habang yakap ako. Napangiti na rin ako.

"I thought hindi kana uuwi." Mangiyak ngiyak na wika ni ate.

I pouted. "Paano nga naman ako uuwi kong pina-"

"Enough of that. We better get inside."

Hinila ako ni ate Shara pero hindi parin ako umaalis sa kina tatayuan ko.

"Nandyan ba si daddy?" Naninigurado kong tanong. Ate Shara just smiled at hinila ako papasok sa loob.

"Ang laki na ng pinagbago mo." she said ng makapasok na kami sa sala. "Hindi ka na mukhang bully." Natatawa nyang sabi.

"Hindi ako bully noh!"

Nagkibit balikat lang sya.

"Have you eaten?" Umiling ako. "Good, kasi nagluto si mommy ng paborito mo."

Napataas ang kilay ko. Ano daw?

"As far as I remember, wala akong sinabihan na uuwi ako."

"Yes. But you know. Ikaw yung baby namin. Hindi ka namin matiis. Araw-araw naming inaasahan na baka maisipan mong kusang umuwi." Iniwan ako ni ate sa dining at nagtungo sya sa kusina.

Nalaglag ang panga ko. Parang nag echo pa sa tenga ko yung mga sinabi ni ate.

WHAT??...! Umaasa sila araw-araw na uuwi ako??

Natampal ko ang noo ko. I can't believe it! Hindi ko na kaya at sumigaw na ako sa frustration. Tumakbo naman si ate dala ang pagkain papunta sakin.

"Sheer? Bakit? Is something wrong? May masakit ba sayo?" Nagaalala nyang tanong.

Bakit hindi na lang nila ako tinawagan na welcome naman pala akong umuwi everytime? Sana hindi nalang ako nagtiis dun sa maliit kong apartment! Hmmmpp!! Hindi ko rin yun na isip! Gusto kong magpapadyak. Kainis! Bat nila ako hinayaan. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sineryoso ko yung dare ni kuya at daddy. Eh, pwede naman pala akong umuwi!

"Bat di nyo sinabi?!" Nanlulumo kong tanong.

Nagkibit lang si ate. "Kahit gustohin namin ni mommy. Alam mo naman si dad. Batas sa bahay. Kahit hindi mo naman daw mapatunayan yung sarili mo, welcome kanaman daw na umuwi. Pero yung kusa ka talagang umuwi." She said smiling. "O, eto na yung favorite mong Big City." Tukoy nya sa pagkaing kaharap ko.

Malamya kong kinain yung favorite ko. Kahit gaano pa kasarap tong kinakain ko ay parang wala nang lasa sa bibig ko. Naka depende lang pala sakin lahat. Pero in fairness ha? Kung di dahil sa nangyari sakin, walang "kami" ni Cyrus ngayon. Kung maka "kami" naman si ako parang may something lang samin. Meron naman talaga, pero nasa FUTURE pa. Close na kami. Konting push nalang.

"Baka sila mommy na yun." Excited na anunsyo ni ate ng may nag park sa garahe.

Nabilaukan ako sa sinabi nya. Agad naman nya akong binigyan ng tubig. Napakurap kurap ako at napatingin sa kakapasok lang na sila mommy at daddy at si kuya na syang nagsara ng pinto.

"LARA!!"

Napatayo ako sa pagkakaupo. I felt that my blood drains when I hear my daddy calls me.

Tumakbo si mommy papalapit sakin. As always, she's elegant and sophisticated. She looks 10 years younger than her age. Mahigpit naman akong niyakap ni mommy.

"I miss you, baby. Finally umuwi kana!"

Nakangususo ko syang ginatihan ng yakap. Nagtatampo ako sa inyo. Pero napanganga ako ng walang salitang yakapin ako ni daddy. Napalitan tuloy ng ngiti ang pagtatampo ko.

"Still my baby is a messy eater. Very unlady." Mapatawa ako sa commento ni daddy at ng punasan nya ang gilid ng bibig ko.

Alam ko, masaya sya sa pag uwi ko.

"Whoa! Naka uwi kana pala! Saang bansa ka nga galing? Ang pasalubong ko?" Gulat na biro ni kuya Larry. Sinimangutan ko lang sya. Lalo akong na pasimangot ng hindi nya ako niyakap at pinahid lang nya yung pawis nyang kamay sa mukha ko.

"KUYA!" Inis kong sigaw. Sinaway naman sya ni mommy. Buti nga.

"Wow! Sis. Mukhang laki ng pinagbago natin ah? Ang laki talagang tulong na ginawa sayo dun sa fast food. Magpapasalamat na siguro ako kay manager Nick." My brother said.

Napangiwi ako sa sinabi nya. Naalala ko tuloy si sir Nick-hole. Yung baklang yun, mukhang may crush pa naman kay kuya.

"Wag na. May crush pa naman sayo yun."

"Seriously. Laki ng pinagbago mo." Hinawakan ni kuya ang mukha ko at tinagnan ako na parang sinusuri. I rolled my eyes.

"Hindi kana mukhang may karumal dumal na gagawin. Mukha ka na ring hindi marunong maghasik ng lagim. Pero kunteng mukha ka paring may sayad."

Tinawanan nya ako. Hindi ko na natiis at binatukan ko na sya. Pigil nya pa akong babatukan din. Kung di lang kami tinawag.

Naalala ko lang din. Si kuya Larry 'tong kontabida at the same time, Fairy-godmother. Ay mali! Wala namang lalaking fairy-godmother. Pero ano naman ang tawag sa kanya? Genie? Wala naman sya sa lamp. As far as I remember, si kuya yung kasabwat ni daddy sa pagkick-out sakin dito sa bahay at sya rin yung may idea na dapat mapapayag ko si Cyrus sa engagement.

Tss.. Laking tulong, kaling perwesyo. Kahit na kakainis. Dapat magpasalamat ako kay kuya. Kung di dahil sa kanya, my feeling for Cyrus would fall in to sleep like death.

Since okay na ako sa pamilya ko. Si Cyrus nalang ang proproblemahin ko.

Crime of Sheer Vera(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon