"GOOD MORNING!" masigla kong bati ko sa mga taong nadadanan ko.
It is 7 am in the morning at alas 8 pa ang klase ko at binabaybay ko na yung cemented pathway ng school papunta sa building namin.
"BONJOUR!" todo ngiti ko paring bati kahit hindi sila nag rereply.
Yung mga taong nadadaanan ko naman ay parang na weweirdohan sa akin pero bahala nga sila. Basta ang Importante masaya ako!
Siguro isa na kayo sa mga naweweirdoham saakin. Basta paggising ko, ang saysaya na ng feeling ko.
If you could just remember. Nung isang araw ay nasangkot ako sa gulo. At kahapon rin lang naisauli ko yung wallet ni Bogs. Siguro nagtataka kayo kung paano ko na isauli yung wallet nya na ni pasa o bali wala ako.
hehehe.. ang dali lang kaya. Baka nakakalimutan nyo, GENIUS ata 'to and with my oh-so-GENIUS-WAYS ay naisauli ko yun ng walang sabit. At sa dahil makulit kayo kung ano yung oh-so-genius-ways ko.. sige na nga spill!!
Dun ko lang naman sinuli sa girlfriend ni Bogs yung wallet nya. O..di nyo inaasahan na mi gerprend sya ano?
Ako nga rin e. Di ko rin lubos na maisip kung paano sya nag ka girlfriend. Hindi sa minamaliit ko sya ha?
Pero ang mag ka girlfriend ng sobrang bait...Parang di kapanipaniwala lalo na kung ang boyfriend mo ay sobrang salbahe tulad ni Bogs.
Di kaya...GINAYUMA sya ni Bogs? OHMY!!! Di kaya??? witch na ba si Bogs? Dapat extra carefull na ako next time. Takot pa naman akong makulam. Kawawa naman yung girlfriend nya.
Anyway, tama na yan, baka mapunta pa tayo sa love story nila? tsk.tsk. Balik tayo sa pag kwekwento ko.
Nung sinuli ko sakanya yung wallet ay medyo nagtaka sya kong bakit nasa isang stranger yung wallet ng boyfriend nyang salbahe. Pero bago pa sya makabuo ng conclusion sa isip nya ay nagexplain na ako agad at kwenento ang buong nangyari.
Sinabi ko narin sa kanya na binawasan ko ng konti yung pera sa loob, pinang libre ko sa mga BFF ko. At dahil mabait yung girlfriend ni Bogs at naintindihan nya agad yung mga sinasabi ko at ok lang daw. Ako raw yung naagribyado kaya ok lang kung magkano yung binawas ko. Sana di lang 100 yung ginastos ko..tss
At yun nga, sya na daw ang magbibigay sa boyfriend nyang swahil.
Dahil narin sa kabaitan nya, kaya instant friend na kami at sabihin ko lang daw sa kanya pag nangholdup nanaman si Bogs sakin.
Totoo na nga sigurong Witch si Bogs. Feeling ko, Nagayuma na talaga ng tuluyan yung girlfriend nya base on my observation. Makahingi nga ng recipe ng gayuma sa kanya..hihigi..
O diba ang dali lang ng Genius ways ko..pang genius talaga.
Kung katulad nya lang sana lahat ng girlfriend ng mga lalaking sa mundo. Siguro mayaman na ako!!! lol. hihihi...pero di naman ako ganon ka abosado..medyo lang.
Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa di kalayuan yung makapal na kumpol ng tao. Binilisan ko yung lakad ko patungo dun.
Nang medyo malapit na ako ay binagalan ko yung lakad ko sabay tingin dun sa pinag kakaguluhan nila. Medyo na hirapan pa akong makita yun sa dami ng tao pero kalaunan ay nakahanap rin ako ng butas para makita yun.
"Kawawa naman..."Dinig ko pa sa mga nagkukumpulang estudyante
"Mali kasi yung binangga nya."sabi nong isang chismosa
Nang makita ko na yung pinag kakaguluhan nila. Medyo nakaramdam ako ng awa...kasi naman. Pinaliguan lang naman sya ng basura. Di nyo lang talaga alam. Marami talagang bully dito sa University namin. Palibhasa anak mayaman kaya mga brat.
![](https://img.wattpad.com/cover/12621391-288-k999441.jpg)
BINABASA MO ANG
Crime of Sheer Vera(COMPLETED)
Teen FictionA story of a Villain..... I mean a FRUSTRATED Villain.