19
Excited akong lumabas ng elevator at tinakbo ang pinto ng condo na sinasabi ni Damulag...hehehe.. Halos di ko na maipasok yung susi sa doorknob dahil sa excitement at mas napanganga ako ng mabuksan ko na yung unit. Halos magtatalon ako sa saya ng sa ganda ng bachelor's pad nya. Feeling ko nasa heaven na ako dahil halos puti lang ang nakikita ko! Joke... May ibang kulay rin naman pero kunti lang yung gamit at minimalist yung design. Pag ako pinauwi na sa bahay, I-rerenovate ko yung kwarto ko.
Iniwan ko ang luggage ko malapit sa pinto at tinaluntalunan ko na talaga yung bed. Ang lambot ng kama! Bumaba ako sa kama at binuksan lahat ng closet at nalaglag ang panga ko ng makakita ako ng isang pirasong tela at hindi lang basta tela...Isa iyong T-B***.
Halos umusok na ang tenga ko sa inis. Gusto kong tawagan si Cyrus at ipatapon sa kanya yung nakita ko pero kinalma ko nalang ang sarili ko at kumuha ako ng walis at dustpan at tinapon yun.
"Yuck!"
Hindi ko talaga keri na hawakan yun. Ang landing Cyrus! Siguro dito nya dinadala yung mga babae? But.... Di kaya sa kanya talaga yun???? No way!! Hindi ako papayag nyan!
"Thank you Jesus for this food that you've given to me. In Jesus name. Amen." Dasal ko. Sususbo nasana ako ng niluto ko for my dinner ng biglang mag ring yung phone ko. Sinagot ko agad wthout looking the caller ID.
"Hellowwwww????"
/"Asan ka?"/ Napakunot ang noo ko sa tanong ng tumawag kaya sinulyapan ko yung caller ID. Ang damulag lang pala.
"Wala ka man lang bang hello? Hi? Good evening?" I asked in a sweet voice but note my sarcasm.
/"Tss...I just wanna check on you."/ halos lumabas yung puso ko sa tanong nya... Wow! Concern na pala sya sakin?
"I'm okay, ganda ng condo mo pero may nakita ako kanina na di kaaya-aya sa mata." I said trying to be cold.
/"W-what? ****"/ Napakunot ang noo ko ng parang narinig ko syang nagmura sa kabilang linya. I smirked.
"Don't ya worry. Tinapon ko na.." I said with a grin.
Kinaumagahan, I texted Cyrus na may plano na ako. Kaya maaga palang ay inaabangan ko na sya dito sa school. Nang makita ko na syang papalapit ay napangisi ako.
Nagtago ako sa corner ng isang classroom at dun ko sya inabanggan. Nang nasa tapat ko na sya ay hinarang ko yung paa ko sa daraanan nya na di nya naman napansin kaya natalisod sya at muntik nang magdive sa sahig ko di ko lang agad na hila.
"WHAT THE..!!!!"
"Hahaha!!!! Tatanga tanga ka kasi!!!..hahaha!!" Patuloy parin ako sa pagtawa kahit nag aapoy na ang mata nya sa galit.
"Ang sabihin mo, sinadya mo yun!" Bulyaw nya.
Nanunuya ko syang tinignan. "Talaga? Sinadya ko man yun o hindi, kung hindi ka tanga, mapapansin mo yun." Mapang asar kong sabi and I laugh like a villain.
Bago sya magsalita ay bumuga muna sya ng hangin at humarap saakin.
"Pwede ba? Wala akong panahon sa kapilyahan mo." Napayuko ako sa kinatatayuan ko sa lamig ng pagkakasabi nya. Namimis ko lang naman syang asarin....
"So what's the plan now?" Basag nya sa pananahimik ko.
I look at him at tinaasan nya lang ako ng kilay. Nag aantay sa sasabihin ko.
"Ganoon lang." maikli kong sabi.
"Ganon? Anong ganoon lang?!" gulat nyang tanong.
"Relax." Pakalma ko sakanya. "Ganoon lang.. tulad nung ginawa ko sayo... Ganon..."
Napakunot noo'ng tinignan nya ako na parang di nya na gets.
"Di mo gets? Ganito!"
Hinila ko sya malapit sa kinatatayuan ko kanina. "Dyan ka lang. I'll show you." Mabilis akong tumayo sa kung saan ko sya natalisod.
"Pag andito na sya, ihaharang ko ang paa ko para matalisod sya tulad ng ginawa ko sayo kanina... At ikaw naman, lapit ka dito" hila ko sakanya. "Kunwari paparating ka at sasaluhin mo sya sa pagkakatalisod nya." I said at inacting ko na parang natalisod ako at napahawak ako sa dibdib nya. Hihihi... Ito yung plano ko eh, Nag tsansingan sya...hihihi
"Diba ang dali lang?" Dagdag ko.
"Okay."
"Sige nga ulitin natin" Para maka tsansing ulit ako...hehe.."Practice tayo."
Nag pratice kaming dalawa sa gagawin nya at syempre ang saya ko at alam nyo na kung bakit.
"Ayan na sya!" I exclaimed ng natanaw ko na papalapit na si Kylie. "Ready!"
Nag punata na ako sa pwesto ko. Inabangan ko na si Kylie at ng nasa tapat ko na sya ay iniharang ko na yung paa ko, pero sa di inaasang pangyayari ay may nag overtake sa kanyang bakla na tumatakbo at nahawi sya sa daan kaya ang para kay Kylie na pagkakatalisod ay napunta sa bakla at ang pinaka masaklap pa ay ang pagkalanding nito kay Cyrus and the next thing is YUCK!
Patay! I'm so dead... Epic fail!
BINABASA MO ANG
Crime of Sheer Vera(COMPLETED)
Teen FictionA story of a Villain..... I mean a FRUSTRATED Villain.