Crime 26

65 2 0
                                    

Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ko nanaman ang mga pangalan na yun. Dalawang linggo ko ng ginagawa to. Tuwing napapadaan ako sa corridor o di kaya sa classroom man o Cr. Tuwing naririnig ko ang pangalang Cyrus at Kylie ay hindi ko na explain yung nararamdaman ko. Alam nyo yung feeling na gusto nyong mag burp pero di ka maka burp? Yung feeling na kumukulo na yung dugo nyo pero di makasingaw, naiipon lang sa loob. O yung feeling na gusto mong sulongin sila pero hindi mo magawa?

Naiiyak na ako tuwing naririnig ko yung mga magagandang komento ng mga tao sa kanila. "Bagay na bagay daw sila" o kaya yung "nakahanap na talaga si Cyrus ng katapat". Sila na ang masaya! Pero di ba nila alam na may isang tao dito na sobrang nasasaktan?

"Boto tagala ako kay Kylie Salcedo para kay Cyrus."

Mas lalo kong nilakasan yung volume nung head set ko at mabilis na naglakad papalayo sa lugar na yun.

"Eh ano naman ngayon kung boto ka? Di naman nila kailangan yung boto mo! Ano sila pulitiko?!" I murmured habang mabilis akong naglalalkad.

Masamang masama talaga ang loob ko. Bat ko pa kasi sya tinulungan? E ano naman ngayon kong sisisihin nya ako? Mas mabuti pa siguro na ako ang sisisihin nya kung ano man ang mangyari sa Kylieng impakta na yun kesa magkatuluyan sila habang ako ay mesirable. Ang GAGA ko naman kasi! Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin at sumabay sa paglakad ko. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita ko ang nakangising si Cyrus.

"Ha?" Tanong ko ng may sinabi sya na di ko narinig. Napabuntong hinga sya at tinanggal yung head set ko sa magkabilang tenga.

"I said, naglunch ka na ba?"

"Libre mo ako?" Mataray kong tanong. I sighed. Hanggang ngayon ay din nya parin alam na wala na ako sa condo nya.

"Sheer Vera ka talaga!"

"Your quite." Mahinahon nyang sabi habang kumakain kami sa isang fast food. I smiled sweetly at him trying to hide the hurt in my eyes.

"Natural! Kumakain kaya." I said while chewing my food. He made a soft laugh and wiped the sauce at the side of my lips na ikangulat ko.

"Anyway, how's the Kylie thingy?" Pag iiba ko. Hindi ko alam kong pangmatalino ba o pangtanga ang magtanong ng update tungkol sa karibal kung kumusta na sila ng taong mahal mo. I know, I have to back off but... I don't feel like backing off.

"We're good." Kumindat sya sakin. "You might say na konting kalabit nalang."

I studied Cyrus quitely and I can see how happy he is. I bit my lower lip and blink rapidly para mapigilan ang panunubig ng mata ko.

"Sheer.." He called me at tinaasan ko sya ng kilay.

"Hmm?"

He looked at me intently. "Why- Bakit di mo sinabi sakin na umalis ka na sa condo?" He calmly asked but it's full of pagtatampo.

"Nang nagpunta ako dun, wala ka na. Akala ko may pinuntahan ka lang. I've waited you and later, I discovered that the closets were empty. You didn't even left a note nor a single text."

I smile secretly after what he said. Kahit di nya sabihin, I can sense it. He missed me! He cared for me! Though, I don't want to assume too much. Baka mas lalo lang akong masaktan sa huli but upon knowing that, parang may nabawas na bigat sa puso ko.

"Sorry for that." I smile genuinely. "My family forgave my and I'm back at the mansion."

Nang natapos na kaming kumain ay nakangiti nya akong iginiya sa kanyang sasakyan at WOW lang ha? Pinagbuksan ako! First time to! Dahil dun ay feel ko tuloy ang moment at balik nanaman ako sa pagiging feeling close. Binuksan ko yung stereo at nag scan sa play list nya. Hindi naman sya nag reklamo at nakangiti nalang syang nag drive.

"Hakuna matata?" I read the title of the song in his ipod. "Hanggang ngayon? Fan ka pa rin ng Lion King??"

His face turn RED. Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon nya. I played the song at sumabay sa pagkanta.

"Hakuna matata~ what a wonderful phrase~"

Kumunot yung noo ko ng tumawa sya ng malakas. Hinampas ko man sya sa braso.

"Aray.. Masakit." Nakanguso nyang sabi habang hinihimas yung braso nyang himpas ko. Naawa naman ako pero tumawa uli sya ng malakas. Hahampasin ko ulit sya pero pinigil nya na ako.

"Oy, tama na yan. Mababangga tayo. Ayaw mo panamang pumangit. Bwahahaha" tumawa ulit at inirapan ko nalang.

"Hangang ngayon, wala ka parin sa tono tuwing kumakanta." Tumawa ulit sya.

Pinanliitan ko sya ng mata. Teka, linya ko ang mang asar. Dapat may resbak ako!

I smiled with my signature sweet smile. "Sige, tumawa ka pa.." He stop laughing like he feel that something is creepy. "Ano kayang sasabihin ni Kylie pag nalaman nya na yung masugid nyang manliligaw ay super fan ng lion king? Hindi kaya mabaliw yun sa sa kakasabi ng 'YUCK! SO CHILDISH'."

Nakita ko kung paano sya namutla. I grin and my grin turn to halakhak.

"Whoa! Your face is so priceless Mr. Persistent Suitor!" Tumawa ako ng malakas at tinuro turo pa sya. Hindi na sya nag salita pa at nakanguso lang na nag drive. Ang dali nya talagang mapikon.

Nang nakapagpark na sya sa parking area ay parang naputol din yung sandaling kaligayahan ko. I was silently wishing na sana malayo pa yung byahe na kung pwede lang yung walang katapusang byahe. Sana ganito nalang palagi. Sana yung ganito na kami bago pa kami nagkitang muli. Yung walang Kylie Salcedo.

"Thanks for the lunch." I said. Tumalikod na ako at lumabas ng kotse. I was walking away when he called me.

"Sheer." Nilingon ko sya.

"Ba-"

"I miss you."

My world stopped. He smiles at me and waved. He turn his back and headed away from me. I gasped with a smile.

"I love you." I whisper in the air. Hoping that the wind will deliver my message to him.

Crime of Sheer Vera(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon