Crime 4

103 2 0
                                    

Claire

Kanina pa kami palibot libot dito sa mall pero kami lang ni Jane yun daldal ng daldal. Ito itong kasing si Sheer ay parang wala sa sarili. Pag kinakausap kasi namin ay isang malaking "HA?" lang yung sagot nya at ngingiti na parang ewan...Huh! kinikilabutan talaga ako sa babaeng 'to.

"Claire, may free taste dun o!" excited na turo naman ni Jane dun sa free taste booth.

Napatalon naman ako sa gulat ng biglang sumigaw si Sheer na nasa likoran lang namin.

"ASAN?"

Nagpalingalinga sya na hinahanap kung nasaan yung free taste.Tignan mo nga 'tong babaeng 'to...nakarinig ang ng free taste biglang naging alerto.

Hindi pa naman ako tapos sa pag sasalita habang tinuturo ko kung saan yung free taste ay na una pang naglakad samin ni jane papunta dun.

Napailing nalang kaming pareho ni Jane bago sya sinundan.

Sheer

Oh my Free Taste!!! Makakalibre nanaman kami nito.

Tinignan ko kung ano yung product nang freetaste booth and it is no other than Eden Cheese!!!!

Hindi ko na hinintay yung dalawa at nauna naakong lantakan yung free taste.

"Hoy Sheer! magtira kanaman. tatlo kaya tayo." sita ni Claire sakin

Nag pout lang ako...kj talaga 'tong si Claire..tss 

Habang patuloy ako sa paglamon ng mga keso na hiniwa sa maliliit na cube ay tahimik naman akong nakikinig sa kwento ni Jane...Ang liliit naman ng hiwa nilala.

"miss ang liit naman nitong hiwa niyo sa cheese. Pwede pakilakihan naman ng konti?" sabi ko dun sa nagbabantay ng freetaste.

"Ah kasi maam yan lan..."hindi na natulooy ng babaeng nagbabantay yung sinabi nya kasi bigla naman akong binatukan ni Claire.

"Magtigil ka nga! ikaw pa 'tong nalibre, nagrereklamo pa!...ah miss, pagpasensyahan nyo na po tong kasama ko. Mapagbiro lang talaga sya." baling naman ni Claire sa babae.

Panira talaga tong si Claire. Hindi nya ba naisip na chance namin yun para lakihan naman ng babae yung pagkakaslice ng keso..tsk.tsk...mabuti pang makinig nalang ako sa kwento ni Jane.

Habang ako ay kumakain ay nagkwekwento naman si Jane tungkol dun sa napanaginipan nya...Kakaiba talag tong imagination ni Jane...Kasi sabi nya na parang sa panahon daw ng mga espanyol yung settings ng panaginip nya, Tapos kilig nakilig din syang kwenekwento yung prince charming nya ...oh well, panaginip nga nya diba.

"Oy Jane baka may past life ka!" Biro kong sabi kay Jane habang tinuturo ko sya nga toothpick na may kesong nakatuhog

"Ano ka ba. Past life ka dyan. Dinaman yan totoo!" Sagot nya habang ngumunguya

"Aba malay mo totoo pala yun. Tapos sa past life mo princessa ka na nagkagusto sa isang dukha. Tapos againts all odds kunyari drama nyo non..hahaha...eng epic pag ganon ang past life mo.." natatawa kong pang aasar sakanya 

"Imagination mo. Na engkanto ka na ata..wag kang mag alala, dadalhin ka namin mamaya sa albularyo para matanggal na yang masamang elementong kumapit dyan sa damit mo."sabi ni Jane sabay pagpag sa balikat ko. Naikwento ko kasi sa kanilak kanina na tinali ako ng mga liposres ng Bogs sa puno ng acacia.

Napatingin naman ako sa kaliwang balikat ko sa pinagpag nya at mabilis na inalis yung kamay nya.

"'Nu ka ba. Baka masama sa maalis yung amoy ni..."

"Ni???" choros ng dalawa

Napangisi lang ako nang maalala ko yung nangyari kanina.

"Sa tingin ko, Crush ko na sya!!!" kinikilig kong sabi sabay dukot ng dalawang tuhog ng keso at nilamon ito.

"Sino?" naguguluhang tanong ng dalawa.Hindi ko kasi natapos yung kwento ko kanina kaya wala silang alam tungkol dun.

Tinignan ko lang sila dalawa. Napasimagot naman ako ng maalala ko na Childhood Enemy ko pala si Cyrus at hanggang ngayon ay ENEMY parin kami.

"Ay mali. Hindi ko pala sya pwedeng maging crush. Magkaaway pala kami." malungkot kong saad tapos kuha uli ng keso

"Crush lang naman yun. Diba nga sabi nga rin nila PEOPLE CHANGE."pang aalo na sabi ni Claire...Ito yung gusto ko kay Claire eh. Kahit medyo kj sya, supportive naman at the same time.

Medyo na buhayan naman ako ng loob sa sinabi ni Claire. Kung ganon may pag asa pa ako.

"Oo nga ano. bat di ko yun naisip...pero paano ba para mabago yung tingin ni Cyrus sakin? hindi ko pa naman alam kong anong gusto nya." kuha uli ng 5 tuhog ng keso

"Edi alamin natin!" suggestion naman ni Jane na parang Pinaka the best idea yung sakanaya

"Pano naman yun?" tanong ni Claire

"Susundan natin...miss kuha uli ako ha?" Sabi ko ng nakatalikod sankanila kasi namimili ako ng malalaking hiwa ng keso at bago pa magkapagsalita yung nagbabantay ay nilamon ko nayung napili ko.

"So..magiging stalker nya tayo?" tanong ni Claire

"oo"maikli kong sagot. tumatango tango lang si Jane

"teka la..."putol na sabi ng tagabantay ng freetaste ng kumuha uli ako at mabilis na nilamon

"Pero sandali lang naman. Mga isang linggo lang." sabi ko

Kukuha na sana ako uli ng keso ng iniharang ng babaeng nagbabantay yung kamay nya sa mga keso.nang ibaba ko yung kamany ko ay inalis na rin nya yung kamay nya na nakaharang.

"Ma'am kasi...hindi naman kasi unlimited 'tong binabantayan ko...free taste nga to pero hindi naman pwedeng abosado."

"Ah, ganun ba...hehehe... a sige isa na lang."kumukha na ako ng isa bago pa uli sya makapalag "thank you sa free taste" sabi ko at umalis na kami. 

Madali naman akong kausap kaya hindi na ako nagtaray ng pagbawalan nya ako...libre lang naman yun.

Tumalikod na kami at nag simula ng mag lakad ng..

"Guys, nakikita nyo ba ang nakikita ko."nalangisi kong sabi

"Hindi."baliwalang sabi ni Claire

"Ayun o." sabay turo ko sa naglalakad na si Cyrus na may kasamang babaeng hipon

Sinundan naman ng dalawa ng tingin kung saan yung tinuturo ko.

"Girlfriend nya yan?" pabulong na sabi ni Jane

"tuloy pa ba tayo?" parang nag dadalawang isip na sabi ni Claire

I smirk.

"Tuloy na tuloy."

Crime of Sheer Vera(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon