Chapter 10

1.5K 49 7
                                    

Naging civil naman kami ni Ye sa isa't isa. Napagalitan ata ng manager niya. But every chance I get, I tried to talk to her. Pero, fck, ang tigas talaga niya! Palagi na lang akong sinusungitan.

Nandito ako ngayon sa backroom ng editing room. Maaga pa kasi ang shoot namin bukas kaya I've decided dito na lang matulog para less hassle. Buti naman ang kwarto pala talaga to for guests.

Nakarinig ako nagbukas ng pintuan. Napatayo naman ako at nakiramdam. Hmm.. Hindi naman magnanakaw kasi ang ingay gumlaw parang si Ye. Kaya napasilip naman ako sa labas. Si Mika nga! Tumitingin ng photos sa computer kaya naman lumabas ako. Nagulat naman siya kaya nahulog siya sa kinauupuan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi nito at tinabig ang kamay ko ng tulungan ko siya.

"Dito ako natulog. Maaga pa kasi bukas."

"Tss.." Sabay irap sa akin at tumalikod. Hinablot ko naman ang braso niya.

"Ano ba!" Sigaw agad nito at sinamaan ako ng tingin.

"Please lets talk." Mahinahong sabi ko.

"No!!! I don't want to hear it!!"

"Pinilit ako ng Mommy mong hiwalayan ka!!!" Sigaw ko din. Hindi na ako makapagtimpi. Napatigil siya sandali. Napabitaw naman ako ng tumawa siya.

"Yun lang ang rason mo, Vic?! Bat di moko maipaglaban ha?!"

"Ilalayo ka niya sa akin Ye!!!"

"Kahit na!!! Ang weak weak mo!!!"

"Atleast ngayon alam mo na diba?!" Sigaw ko na nangigilid na ang luha.

"You broke up with me for a stupid reason." Matigas niyang sabi sakin.

"Gusto ko lang ang nakakabuti sayo, Mika. Ayaw ko namang itakwil ka ng pamilya mo dahil sa akin."

"Wala silang magagawa kung pinaglaban moko, Vic! My god! Ang tatanda na natin!"

"I fcked up! Ok?! Im sorry! Andiyan naman ako lagi ah! Hindi mo lang kasi alam." Napatingin naman siya sa akin.

"Talaga?" Taka niyang tanong.

"Oo. Kailangan kong malaman kung ok ka.." Sagot ko. Pinalisikan nanaman niya ako ng mata.

"Well hindi ako ok!! Never ako naging ok!! Dahil sayo!!!" Sigaw nito nang pasugod sa akin.

"Im so sorry Ye!!! Sorry!!!"

"I HATE YOU!!' Sigaw niya sabay tulak sa akin. I took the chance to hold her. Her outburst was followed by silence. Pareho kaming hinihingal. Napatingin ako sa lips niya. Kinagulat ko naman ang ginawa niya.

Hinalikan niya ako.

Niyapos ko ang kamay ko sa bewang niya at pinihit ang katawan niya palapit sa akin. Napasabunot naman siya sa buhok ko. Oh my god. How I missed this. Nadadala na kami sa aming damdamin kaya nag aggressive na ang kiss namin at napapahimas na ako sa likod niya. Pinaupo ko siya sa mesa at hinawakan ang laylayan ng shirt niya. Napatigil ako ng nanigas siya. Minulat ko ang mata ko at nakita si Kiefer...

Please dont.

"Kief!" Tawag niya at tinulak ako papalayo saka sinundan si Kiefer.

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon