Chapter 16

2.4K 60 3
                                    

Maaga akong nagising para ipagluto si Mika ng almusal. Pero ako pa ata ang pinagluto nito? May nakahanda na kasi na pagkain sa mesa at si Mika nag co-coffee na. Aba't bihis na bihis pa. Naka blazer at naka skirt pa.

"San lakad mo, Ate?" Biro ko dito.

"Mag aapply ako ng trabaho." Nakangiting sagot nito sa akin. Umupo na ako at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Saan naman?" Tanong ko habang ngumunguya ng saging.

"Hmm. Kahit saan. Quit nako sa modeling." Sabi nito at tumayo.

"Buti naman. Hindi naman kita papayagan no." Sabi ko. Napataas naman ang kilay niya.

"Ewan ko sayooo." Sabi nito at nagligpit ng gamit niya.

"Ui, hatid na kita." Sabi ko dito at nagmamadaling kainin ang inihanda niya.

"Wag na Vic. Tss. Kaya ko naman sarili ko no." Sabi nito at nag wave na parang may pinapaalis na langaw sa harap.

"No, no. I insist. Sandali." Sabi ko at kumaripas ng takbo sa kwarto.

"VIC!!!" Narinig kong sigaw ni Mika na nagpangiti sa akin. May kinuha lang ako at tumungo sa garahe.

"Lika, Miks." Sabi ko ng madaanan ko siya at mabilis na tumungo sa sasakyan.

Nakasunod naman siya sa akin na nakasimangot.

Inopen ko ang passenger seat at nag gesture na pumasok na siya. Tinaas naman niya ang kilay niya.

"Ew Victonara! Hindi ka naligo?!" Sigaw nito sakin na parang na e-ew talaga nakakatawa nga eh.

"Sus. Ako ba ang mag aapply? Ikaw naman eh. Tsaka mabango naman ako. Lika amuyin mo ang kili kili ko." Sabi ko at hinila siya sa akin. Pumiglas naman siya and ended up in fits of giggles.

"Anobayan! Baka mawalan ako ng malay niyan eh! Tara na nga! Dami pang alam!" Sabi nito at tinulak na ako at pumasok sa kotse. Ngumiti na lang ako at pumasok na din.

"San tayo, Miss?" Tanong ko habang pinapaandar ang kotse ko.

"Dun muna sa call center." Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano? Bat dun? Maliit lang sweldo eh." Sabi ko

"Sympre may iba naman akong options. Pero dun muna as of now." Sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Nako. Baka ma bangga kami neto sa kakatitig ko sa kanya.

Binaybay namin ang traffic na daan at bumaba sa mga call center na malapit lang sa condo ko. Para kahit papano, mahatid sundo ko siya.

Maglu-lunch na kaya pumunta ako sa malapit na mall dito.

"Kain muna tayo, Miks. Kakapagod na." Reklamo ko dito. Tumango lang ito na halatang pagod na din.

"Ah! Mag apply din ako dito!" Bigla niyang sabi.

"Ano? Sales lady?" Sabi ko habang natatawa. Hinampas naman niya ako at sinamaan ng tingin.

"Gaga! Hindi kasi. Sa office nila ba. Ganun. Nako. Beauty kong to? Pang sales lady lang? No no no." Sabi niya na may pa hindi-hindi gesture pa sa hintuturo niya. Nakaka adik talaga tong babae to!

"Vic, gusto kong kumain ng japanese food." Panglalambing nito sabay pulupot sa braso ko. Hay nako. Sympre yes agad.

Habang pabalik ako sa table namin dahil ako nag order, nahagip ng mata ko ang phone ni Mika na naka open sa mga available condo or houses dito sa Manila. Kinabahan ako agad. Hindi pwede mapalayo siya sa akin. Isip Vic. Isip!

"Y-ye, uhm.. Ano.." Nako Vic wag kang obvious! Medyo nag smirk siya at nagtaas kilay.

"Oh bakit?"

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon