Chapter 14

2.1K 53 6
                                    

Mika's Pov~

Hindi ko na pigilan at hinabol si Vic pagkalabas niya. Nagulat naman siya ng niyakap ko siya.

"Mika naman eh." Malambing niyang bulong at niyakap din ako.

"Dito ka lang.." Bulong ko sa kalagitnaan ng paghikbi ko. Inaamin ko masama parin ang loob ko sakanya pero I need someone right now.

"Ye.. Hihintayin kita." Sabay hagod sa likod ko.

"Pano nga pag wala ka." Makulit kong sabi.

"Mika, I already saw you at your worst. Hindi kita iniwan."

"Pero iiwan moko dito." Parang bata kong sabi at nakabusangot na.

"No, no. For once, I'm admitting that I'm not strong enough to help you. Ikaw lang makakapagpagaling sa sarili mo. Pag andito ako, hahadlang lang ako sa paggaling mo. Kaya please Mika mag cooperate ka sa kanila. And I will be waiting for you." Paliwanag nito sabay punas sa mga luha ko.

"What if you're not?" Pagmamatigas ko.

"I will. I promise, Mika. I will never let you go." Tumingin ako sa mga mata niya and I believe her kaya tumango na lang ako.

"Okay, good. I love you. That won't change." Sabi niya at kumalas na sa akin.

"Ayos kana? Kailangan ko na umalis eh. Hindi din ako dito pwede." I want to hug her some more but I need to be brave kaya tumango na lang ako. Nag wave siya sa akin at tinanaw ko na lang ang papalayo niyang anyo.

Vic's Pov~

One month have passed and ito ako ngayon dali dali nagpa andar ng sasakyan at tumungo kay Mika. Excited na ako makita siya. Sana magkabalikan na kami.

I brought flowers with me and a big box of chocolates. Favorites niya kasi and I know ang pagkain dun nila ay hindi pa sapat sa kanya at no doubt na healthy lahat yun. Lam niyo naman kami ni Mika, nabubuhay sa fast food.

Actually, ako yung mas natatakot. Pano pag labas niya ayaw niya na sa akin? Pano pag di niya ako binalikan? God wag naman sana. Hindi ko kakayanin yun. I promised her forever. We promised. Hindi ako susuko no matter what. Babawi ako sa kanya. Sa lahat ng katangahan na ginawa ko sa kanya noon. I just cannot let her go that easily. Ayaw ko mag over think but I can't help it seeing I messed her up so bad. It's my fault, I know. And I'm just so sorry and all I want is to have her back.

Napaisip ako na doon na lang kami tutuloy sa condo ko. Sana pumayag naman siya. Hindi pwede bumalik pa siya doon sa Mama niya. Baka kung ano naman sabihin kay Mika at tuluyang mabaliw.

Agad kong tinabi ang sasakyan at bumaba para hintayin si Mika. Napasandal lang ako dito sa kotse ng maaninagan ko siya sa di kalayuan. Hindi ata ako napansin kasi nakayuko at dere dertso ang lakad kaya tinawag ko.

"Hey, Stranger." Agad naman ito napatingin sa akin. Isang malaking ngiti at nasilayan ko bago pa niya ako sinakal sa yakap.

"I missed you." Sabi ko. Kay saya ko na niyakap niya ako. Assuming na kung assuming. May pag-asa pa kami. Napaiyak lang siya. Hinagod ko lang ang likod niya at hinintay na matapos siya.

"So, hate mo parin ba ko?" Tanong ko dito na naka kunot noo. Parang nagulat siya at naguilty ang mukha.

"Hindi, hindi. Vic, I'm so sorry sa lahat ng nasabi ko noon. Nadala lang ng galit. Hindi ko yun sinasadya and I wasn't thinking straight. Umm-"

"Shhh. I'm sorry too." Sabi ko dito. Ngumiti lang siya at napatingin sa malayo.

"Ay! Pwede pa hiram ng phone mo saglit?" Tanong nito sa akin.

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon