Chapter 21

2K 52 6
                                    

Mika's Pov~

After that exhilarating night of my life, I found myself wide awake. Hindi parin nabubura ang munting ngiti sa labi ko. Napatingin ako sa maamong mukha ng mahal ko at napalawak ang ngiti ko. Binaybay ng hintuturo ko ang katangusan ng ilong niya. Ang pogi talaga. She's a very light sleeper kaya it woke her up straight away.

"Mahal?" She croaked her eyes searching for my face in the darkness.

"Hmm?" Sagot ko na lang. Ayaw ko sana so she can sleep again kasi parang pagod siya eh. But I want to talk to her all night long. Am I clingy? Hinawakan naman niya ang mukha ko at gave me kiss sa noo.

"Ba't gising ka pa?"

"Paano mo alam?" Tanong ko. Ang dilim kaya.

"Kumikinang yung mga mata mo, Mahal. Parang mga bituin." Lambing nito at hinimas ang pisngi ko. Uminit naman ang pisngi ko. Korni kasi ni Vic! Amp!

"Kinilig ka na niyan?" Bawing asar nito. Tinulak ko nga! Pakikiligin tapos iinisin. Ano ba talaga?

"Biro lang naman, Mahal. Ayaw mo bang matulog?" Bumalik na ako sa pagkakayakap sa kanya and rested my head between her neck and shoulder.

"Hindi kasi ako makatulog." Sagot ko.

"Bakit naman?" Sinuklay suklay niya ang buhok ko kasi pampatulog ko yun. Pero sa ngayon, hindi effective.

"Sobrang saya ko kasi." Pag aamin ko. I want this night to last forever. I just feel so elated that it kept me wide awake. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

"Matulog kana." Utos nito sa akin. I tried closing my eyes but the moment I shut them down an image appear of me and Vic getting married kaya napabalikwas ako at napatili.

Nataranta naman itong katabi ko at pina ilaw ang lampshade sa tabi ng kama. Napatakip ako ng bibig kasi nakakatawa yung mukha niya. Gulo gulo ang buhok tapos dilat na dilat talaga. Her eyes seems dilated nagulat siguro and half asleep pa siya. Then it came to focus and found me. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Anong nangyari?! Nasaktan ka ba?! Saan?!" Medyo na bubulol pa siya sa bilis ng pagsalita niya.

"OA mo, Vic. Sobra." Asar ko dito. Napairap naman siya akin.

"Bat ka kasi nagtitili diyan." Pinatay na niya ang ilaw at bumalik na sa pagkakahiga... Na nakatalikod sa akin.

"Uiii.. Tampo ka po?" Lambing ko dito at nagback hug sa kanya. Hindi niya ako inimik.

"Vicvic. Sorry po." Sabi ko at hinalikan ang buhok niya.

"Pinag alala mo ako, Mika. Wag mo ng uulitin yon. Alam mo patulog na ang tao gugulatin mo. Nakakainis ka." Hala. Lagot! Nagalit ko si Mahal! Huuu!! Mahabang habang lambingan to.

"Eehhh. Kasi Mahal, ng pinikit ko ang mata ko, nag flash sakin ang araw ng kasal natin. Ayun, napatili ako sa kilig. Baka nga pagkasal natin mag titili ako eh. Kaya sorry na Mahal." Bulong ko dito at hinigpitan ang yakap sa kanya.

Hindi siya umimik. Bumugtong hininga siya saka humarap na sa akin. Pinaunan niya ako sa bisig niya at hinalikan sa noo.

"Magtitili ka talaga? Para kang bata, Mahal." Sabi nito na mat tatawa.

"Eh sa mababaw lang yung kaligayahan ko eh. Tsaka once in a lifetime lang naman ako ikakasal." Busangot ko naman. Ngumiti naman siya at hinaplos at mukha ko.

"Swerte ko naman kasi ako ang once in a life time mo." Sabi niya.

"You're my one and only, Vic." Malambing kong saad at hinalikan siya sa pisngi.

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon