Chapter 4

2.1K 45 3
                                    

Hindi ko na nakita si Mika after nun. Nag pursige ako sa pag aaral ko para makatapos ako at makuha na ulit si Mika. Naniniwala akong hihintayin niya ako. Nakikipag kita pa rin ako kay Ate Kim. Hindi na din daw na ddorm si Ye kaya wala masyadong balita. Hindi na nga ako makapag antay grumaduate para makasama siya. Tutuparin ko lahat ng pinangako ko sakanya. Napangiti ako ng maalala ko yung first monthsary namin...

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Flashback

"Mahal.." Mahinang bulong ni Mika at niyugyog ako.

"Urghh.. Ano ba.. Antok pa.." Sabi ko at niyakap siya. She giggled kaya napangiti din ako.

"Kasiiii.... Happy 1st Monthsary, boyfriend!" Nahihiya niyang sabi at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Sarap naman ng feeling kaya napamulat ako ng mata. Hinalikan ko yung noo niya.

"Happy 1st Monthsary din, girlfriend." Humagikhik naman siya. Halatang kinikilig. Ang cute cute talaga ng mahal ko. Kumawala naman siya sa yakap ko at lumabas.

"Kita mo yun, iniwan ako.." Bulong ko naman. Kinapa ko yung phone ko at chineck yung oras. Saktong 12AM na ng September 3. Pumasok naman siya at ni-on yung ilaw.

WOW! sinurprise ako ni Mahal! Andaming balloons na ibat ibang kulay lumulutang. Si Mika naman ay may bitbit na tatlong cupcake na korteng bola ng volleyball at may " I ❤ U" na letters. May bitbit din siyang gift na pa rectangle. Napaupo naman ako at nginitihan siya ng malaki. Lumapit siya sa akin at kiniss ako sa lips. Kinuha ko muna yung bitbit niya at tinabi. Pinakandong ko siya sa akin at hinalikan sa pisngi.

"Thank you, Mahal ko." Bulong ko dito. Namula naman siya.

"Oo naman. Ket ano para sayo no." Sabat naman niya.

"Ang swerte ko  naman.. Ay hindi pala. Blessed. Sobra."

"Iiihhhhh. Wag ganyan nakikilig ako! Pero, Vic, ako yung mas blessed." Sabi niyang naka ngiti sa akin na kumikinang ang mga mata. Pinisil ko pisngi niya at hinalikan ang ilong niya. Tumawa naman siya at nilayo yung mukha ko.

"Ano ba, Vic! Nakakarami kana ah! Hmf. Open mo na gift mo, bilissssss." Utos nito sakin. Napangiti naman ako at inabot yung gift. Tumulong siya sa pagbukas ng gift. Nako parang siya pa tong excited eh...

Nanlaki ang mata ko ng makita ang gift niya sa akin...

"FINGER BOARD! LIMITED EDITION!!! WAAAAHHHH-" Sigaw ko ng tinakpan ni Mika yung bunganga ko.

"Shhh!!! Magising sina Ate Aby!" Suway nito sa akin pero nakangiti.

"Shet.. Thank talaga Mahal!" Sabi ko at niyakap siya at pinaulanan ng halik sa mukha. Tawa naman siya ng tawa.

"Landeeee." Asar ko dito. Agad naman niya akong pinalisikan ng mata.

"Ganyan ka ah.." Sabi niya at umurong palayo sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ba! Inirapan ako ng loka! Linapitan ko siya.

"Yieee... Si Mahal. Nagpapalambing.." Bulong ko dito. Nag crossed arms naman siya.

"Tse! Tigilan mo nga ako." Sungit na sabi nito. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit tinutulak niya ako. Bibigay na din to. Pinipigilan nga niya ang ngiti niya eh.

"Sus. Nagpapalambing ka lang ehhhh.. Landi talaga! Hahahahaha joke lang po." Sabi ko at hinalikan ang sentido niya.

"Gusto ko naman talaga lambingin ka. Pasalamat ka mahal talaga kitang maldita ka."

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon