Chapter 19

2K 42 14
                                    

Ang ingay ingay namin! Sobra! Pano ba naman, sinorpresa kami ni Ate Kim at sinama yung ibang LS! Ang saya nga eh. Si Mahal ayun nakikipag kulitan kay MotherF. Ako naman kasama ko si Wafs na naka upo lang. Tss. Busy naman sa phone niya. Sinilip ko nga kung sino katext niya.

Mela Tunay

"Uy, wafs. Magkatext pala kayo ni Fo?" Tanong ko na kinagulat niya at agad naman binulsa to.

"H-ha? Ah.. Nangangamusta lang." Pautal utal niyang sagot. Hmm. May tinatago to ahh.

"Pano si Cienne niyan?" Tanong ko dito. Napakamot naman siya ng batok niya.

"Wala namang 'kami' eh." Matamlay na saad nito.

"Grabe. Talaga lang ha? Ang sweet sweet niyo ng college ah. Tapos ano nangyari?" Bumugtong hininga siya muna bago sumagot.

"Hay. MU lang kami ni Cienne. Tapos.. Tapos dumating si Mela. Ayun. Wala namang nangyayari samin ni Mela. Pero si Cienne, grabe makaselos! As in. Nakakasakal na bro. Walang tiwala talaga. Hindi ko kinaya. Ayun. Misunderstanding lang daw amin." Malungkot na kwento nito habang nakakatitig kay Cienne.

"Ate, kung mahal mo talaga hindi mo susukuan diba? Sabihin mo kasi sa kanya na siya lang. Baka naman kasi pinaparamdam mo sa kanya na mas lamang si Mela sa kanya." Sabi ko at tinapik siya sa braso niya. Hindi siya nakaimik. Siguro tama ako.

"Siya lang naman eh.." Bulong nito na rinig ko naman.

"Alam ba niya?" Tanong ko. Bumugtong hininga na lang siya.

"Ah, sige. Puntahan ko siya muna." Sabi nito at tumungo kay Cienne. Naglakad lakad naman sila papalayo.

"Hi Mahal." Bungad sa akin ni Mika at umupo sa tabi ko. Nakow. Alam kong galawan na to. May kailangan to sa akin.

"Ano kailangan mo Mahal?" Malambing na tukso ko sa kanya. Inirapan naman ako.

"Umupo lang may kailangan agad." Sabi nito. Napangiti lang ako at inantay na magsalita siya. Ilang minuto pa..

"Ah, kasi mahal..." Panimula niya. Kita mo hindi makatiis. Napataas lang ako ng kilay.

"Ehhhh.. Pwede bukas na lang tayo umuwi?" Alanganin na sabi nito at humiga sa balikat ko.

"Mika naman. Diba madami pa TAYONG tatapusin? May next time naman, Mahal." Sabi ko dito. Diniinan ko talaga ang 'tayo' para alam niya na may tatapusin din siya sa office.

"Dala mo naman ang iMac mo. Kita mo nga ngayon trabaho parin inaatupag mo. Hmpf." Sabi nito at nag cross arms na. Dala dala ko kasi ang laptop ko dito sa labas. Chinecheck ko lang naman ang mga pending works namin. Sinara ko na lang ang laptop ko baka pagselosan pa to eh. Umakbay ako sa kanya.

"May chineck lang po ako, Mahal. Ikaw talaga." Suyo ko dito at hinalikan siya sa sentido.

"Hmpf. Over night na lang tayo, Vicvic. Sige na pooooo?" Lambing nito sa akin. Urgh! I'm really torn. Kailangan ko na matapos yung work ko eh.

"Ganito, Mika. Ok lang naman dito ko muna. Pero ako kailangan kong umuwi. Sunduin na lang kita bukas ng umaga. Ano?" Bumusangot naman siya.

"Tss. Sige na nga. Uwi na lang tayo. Gusto ko sana kasama ka eh." Sabi nito.

"Yieeee. Clingy mo talaga, Mahal!" Sabi ko akmang hahalikan siya sa labi ng may tumawag sa akin.

"Vic!!!" Pamilyar ang boses. Napalingon kami ni Mika.

Ahhhh.. Si Bang lang naman. Kasama si Mands.

"Hi, Miks!" Sabi nito saka bumeso kay Mika. Sa akin hindi. Buti naman baka magselos pa si Mahal.

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon