Chapter 22

1.5K 45 6
                                    

Vic's Pov~

Kinabukasan, we went to the police station to have finger print checking on my car. 3 finger prints were found. Akin, kay Mika and someone who has no records. Sure kami na siya yung sumira ng brakes ko. It also turned out na lahat ng kotse namin sira ang brakes kaya pinaayos namin ni Mika.

After seeing those texts from Justine Tiu tinawagan siya namin. Cannot be reached yung phone niya so we tried sa home phone niya which she answered. Naka loud speak yung phone ko at si Mika na ang kumausap.

"Hello, Shob."

"Ye? Bakit?" Bakas pa sa boses niya na kakagising niya lang from a nap.

"Ah, tinatawagan ka namin sa phone mo."

"Huh? Bakit? Teka teka. Wala dito yung phone ko. Naiwan ata sa bahay niyo nung party." Nakita ko namutla si Mahal.

"Naiwan mo dito?"

"Oo, Ye. Nilagay ko sa counter kasi kumuha ako ng drinks then bigla nawala. Ninakaw siguro."

"Hala! Shobe sorry talaga. Kilala naman natin lahat ang pumunta dito ah? Palitan na lang namin ang phone mo.

"Ay wag na! Siguro na misplaced ko lang diyan. 5s yun na neon green yung case. Bakit pala kayo tumawag?"

"Sige hanapin namin. Ah kasi.. Ano.. May nagsesend ng texts dito kay Vic from your phone. It looks like your cheating on me nga eh."

"What?! Oh my god! I swear, Ye--"

"Hey hey alam kong di niyo naman magagawa yun sa akin eh. Its okay, Shobs. May tao talagang gustong sumira sa amin ni Vic."

"Ginamit pa talaga ako. Hayss. Ok lang ba kayo ni Vic, Ye?"

"Ok lang kami, Shobs. Tawagan ka na lang namin pag nahanap namin phone mo ah?" Ako na ang sumagot at inakbayan si Mika. She gave me a weak smile.

"Oh, hi Vic! Andiyan ka pala. Sige sige. Sorry ha? Ako pa kasi ginamit eh."

"Di ok lang talaga. Pahinga kana, Shob. See you."

"Bye. Ingat kayo diyan ni Mika." Sabi niya at binaba ang phone. Nagkatinginan kami ni Mahal. She looks really worried and scared. Ayaw ko namang ganun ang maramdaman ni Mahal no. So I made sure na para secure siya, nag pa install ako ng security code dito sa condo. I called the bullies na din para may kasama dito si Mahal while I check on the case with Dad and Mama.

Maya't maya pa may nagdoorbell na nag putol ng titigan namin. Hinalikan ko siya sa sentido.

"Ako na kukuha." Sabi ko at tumungo sa pinto. Sinilip ko muna sa peephole kung sino. Sina Mama pala kaya hindi na tumawag dito yung guard. Binuksan ko na din sila.

Pag alala ang bunggad sakin ni Mama.

"Vic! Nako anak ano ba naman ang nanyari sa inyo. Saan si Mikang?" Maingay na bati sakin ni Mama at niyakap ako. Lumabas naman si Mika sa kwarto at bumeso kay Dad at Mama. Alam kong nagcancel ng meeting tong si Daddy para lang dito.

"Upo tayo. Pagtitimpla ko kayo ng kape. Nako Vic, hindi mo naman inaalagaan si Mahal mo. Tingnan mo parang puyat." Sabi sakin ni Mama at piningot ako ng mahina. Namula naman ang pisngi ni Mika.

"Ay hindi po. Inaalagan po ako ng anak niyo, Tita. Ako na po kukuha ng kakainin natin." Sabi ni Mahal at akmang pupunta na sa kusina ng pinigilan siya ni Mama.

"Iha, call me Mama. Ikakasal na kayo ng anak ko, remember? Tara na sa kusina dadating na din ang iba niyong kaibigan." Sabi ni Mama. Nakita kong mas namula si Mika at ngumiti ng alanganin sa amin ni Dad.

"Kelan ka babalik sa office, Vic? Alam mo naman madami tayong inaasikaso. Nag papatuloy ka pa ba sa photography mo?"

"Kapag nabili ko na ang bahay. Lilipat kami dun ni Mika. Hindi na kasi safe dito eh. On hold muna yung photography ko. Busy pa eh." Sagot ko naman habang tinitingnan ko emails ko.

"Trusted naman yung mga police and lawyers na nirecommend ko. They're the best. Baka may nakaaway kayo ni Mika?" Tanong ni Dad na busy din sa phone niya. Buhay businessman talaga.

"As long as I can remember, wala kaming nakaway ni Mika." Sagot ko.

"Maybe your exes." Napatingin ako sa kanya.

"Dad in good terms kami ng mga past relationships namin ni Mika."

"Then--" naputol ang pagsasalita niya ng nag buzz ang speaker. Alam kong bullies yun kaya sinabi ko kay Manong Guard na papasukin sila. Binuksan ko na ang pinto para pumasok na lang sila agad.

Pag dating nila nagalala din ang mga mukha nila.

"Vic!!!" Sabay sabay nilang bati at sabay sabay ding yakap. Napatawa nalang si Daddy sa mga kaibigan ko. Binati naman nila ito at umupo na.

"Si Mika?" Tanong ni Ate Kim

"Ah nagluluto." Sagot ko naman. Nanlaki lahat ng mata nila.

"Sigurado ka diyan, Vic?" Takot na saad ni Carol

"Kayo naman. Ang hard niyo kay Mahal. Magaling magluto yun no. Tinutulungan naman siya ni Mama eh." Sabi ko at tumungo sa kitchen para tingnan ang ginagawa nila.

"Ako na dito, Mahal. Andun na sina Kim sa labas." Bungad ko sa kanila. Gumagawa pala sila ng sandwich at nagdala pala si Mama ng pizza.

"Sige. Sandali lang ako, Mama." Parang nahihiya niya paalam. Gosh she's so cute.

"Ay ok lang. Sabihin mo tapos na din tayo dito. Juice na lang. Si Vic na ang bahala dito." Magiliw na sabi ni Mama sa kanya. Tumango naman ito at lumabas na.

"Iced tea na lang, Ma." Sabi ko at nagtimpla na. Nilagay na namin sa tray ang mga pagkain at dinala sa labas. Napatayo naman si Dad.

"Uhm, guys. Alis na kami ha?" Sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Mahal at litong nakatingin sa akin.

"Saan ka pupunta, Mahal?" Tanong niya habang ngumunguya ng sandwich.

"Ah sa presinto lang. Tapos sa office na din." Sabi ko. Na alarma naman ang mukha niya at biglang napatayo.

"Ay sasama ako, Mahal. Nako akala ko day off natin nakakahiya naman kela Ti-- Daddy." Sabi ni Mahal at sinusubukang dumaan sa mga bullies na naka harang ang mga paa.

"No need, Mahal. Day off mo ngayon. May aasikasuhin lang naman ako. Dito na matutulog ang bullies at si Mama. Baka gabihin kasi ako." Paliwanag ko. Agad naman napatingin sa akin si Mika. May galit sa mata niya pero bigla ding nawala.

"Kaya ko naman ang sarili ko." Mahina niyang sambit. Lumapit na ako at humalik sa pisngi niya. Alam kong galit siya sa akin kasi akala niya mababa ang paningin ko sa kakayahan niya. Pero pinipigilan niya lang kasi andito ang pamilya ko at kaibigan namin.

"I know, Mahal. I just want them to keep you company. I'm doing this because I'm so inlove with you.." Bulong ko sa tenga niya. Nanlambot naman ang mukha niya at napangiti bahagya at hinalikan din ako sa pisngi.

"Ingat ka, Mahal." Sabi niya. Tumango naman ako at nagpaalam sa mga tao sa condo at tumungo na sa presinto.

// Hello hello! Sorry it's not what you've expected but the next chapters will be exciting and it will be the end of For the sake of Love. Two chaps to go maybe? Thank you for staying with me! And of course our beloved Mika and Vic Reyes-Galang. Pls do vote and spread the story!

Pls read my new KaRa fanfic "The Deal" already published! Hope you guys read it! //

For the sake of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon