Chapter 13

31 2 0
                                    

"Ehem...ehem"

Napatingin silang lahat sa'kin dahil sa tunog na ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga hitsura nila at mukha silang mga gulat at yung iba laglag-panga pa lalo na si Ericka at Ron. Agad ko namang nakita si Mia, ang isa sa mga babaeng pinakamamahal ko. Nakita ko namang gulat din si Mom at tila parang nakakita ng multo.

"Heyow?" bati ko sa kanila.

"MIKE!!" sabay-sabay nilang sigaw sa akin. Ano ba nangyari sa mga 'to? Parang mga tanga.

"Tumawag kayo ng nurse." Sabi ni Mommy ng makabawi siya sa pagkaka-gulat.

"Anak, umupo ka muna dyan sa kama mo at kailangan ka munang matignan ng doctor." Payo sakin ni Mommy and I follow her naman. Nakita kong lumabas si Isaiah at sa tingin ko, siya yung nag-kusang tumawag ng nurse. Yung mga kaibigan ko naman, ito, gulat parin. Lumapit si Mia sa'kin at niyakap niya ako.

"I love you Mike. Hindi kita iiwan." She cried on my ear while hugging me. I hugged her back and say the same words except sa pangalan ko siyempre, yung pangalan niya ang sinabi ko.

Dumating naman agad si Isaiah kasama yung nurse at doctor. And she, the doctor, do the examinations on me. Kung ano-ano ang mga tinignan niya, yung mata ko, yung tuhod ko, yung benda ko. Kung anu-ano. Ewan ko kung bakit basta yun yung ginawa nung doctor.

"Ma'am Reyes, for now, he is okay but I advise that he will be confined for two days more for further observation. But it is your choice Ma'am." Sabi nung doctor.

"Okay, if that's good for my son. I'll be okay with it." Said my Mom. And the doctor and the nurse leave the room.

Ano ba yan. 2 araw pa sa ospital. Oo alam ko. Tulog lang ako sa buong pamamalagi ko sa ospital pero I feel so "caged". Kung nag-ingat lang sana ako sa pag-dadrive edi sana ayos lang ako ngayon at nabisita ko pa yung mga dati kong kaibigan. Edi sana di ako naka-confine ngayon sa ospital na 'to. Oo, alam kong nag-tataka kayo kung bakit alam ko yung mga nagyari. Malamang ako yung na-aksidente, alam ko yung mga nangyari. Sa mga pelikula lang yung mag-tatanong pa kung nasaan sila, bakit sila nandun, ano nangyare. Sa pelikula lang yun nangyayare, iba sa tunay na buhay.

"Kamusta nga pala kayo?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Hindi ba dapat kami nag-tatanong sa'yo niyan?" sagot ni Arnel.

"Narinig niyo naman yung sinabi ng doctor kanina diba. I'm okay" sagot ko naman kay Arnel.

"Ayan kasi. Bingi. Tatanga-tanga, di nakikinig." Pang-aasar naman ni Anne kay Arnel.

"Edi sige. Ako na tanga." Pagtatampo naman ni Arnel. Parang mga bata itong mga to. Jusko.. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Mia.

"Mia,are you okay?"

"Yes. Why?"

"You looked exhausted."

"Well, its because of you. Binantayan kaya kita..

"Well, thank you. Hahaha.. that's all"

"Wow! Thank you din hah. Wala man lang I love you." She said in a sarcastic tone.

"Well, I think, di ko na kailangang sabihin yun."

"Why?"

Then I kissed her on her lips. Not a torrid one. But a passionate long kiss. I knew she was shocked. Me too, I'm shocked on what I've done. Well I guess, dahil yun sa instinct ko kaya ko siya nagawang halikan. When I ended the kiss, I looked at her and I can see on her face the mixture of confusion and kilig.

My Mom told us to go to the mini-dining area so that we can eat. Inalalayan naman ako ni Mia papunta sa dinning area. We eat all the foods they brought. Nangamusta ako. Kinamusta ko ang school, ang teachers namin and even my car. I asked them, where's my car, at ang sagot na natanggap ko ay..

"Nandun sa junk shop. Mukhang din na daw maaayos sabi nung mekaniko sa pinagpapagawaan mo. Don't worry, kinuha ko lahat ng gamit sa loobat nasa room mo na siya sa bahay, at binenta ko yung mga parts ng car mo na pwede pang ibenta. Then, I'll get you a new one." Kwento ni Mom sa'kin... ay sa amin pala kasi nakikinig yung mga kaibigan ko.

"But.." pahabol ni Mom.

"But what?" I asked.

"But, you need to go to a driving school again before I buy you. Just for safety precautions." Said my Mom.

"Okay. If that's the only way to get a car." I said.

Nagkwentuhan lang kami, kain, tawanan hanggang sa nag-paalam na silang umuwi. Pinahatid naman sila ni mom sa driver namin sa kani-kanilang mga bahay. At hindi naman sila tumanggi.

After 2 days, naka-uwe na'ko sa bahay. Ayos naman na ako kaya pumayag yung doctor na umuwi na ako at dito ko na lang sa bahay ipagpatuloy ang pagpapahinga ko, but next week pa ako pwedeng pumasok para daw sure, sabi nung doctor. Normal na araw lang ang meron ako kasi buong mag-hapon lang ako nasa loob ng bahay. May mga kumikirot na sugat pero di naman yung tipong kailangan kong magpa-ospital, yung saktong kirot lang. Binibisita naman ako ng mga kaibigan ko araw-araw after ng klase kaya di rin naman ako na-bobored. And pag-wala akong bisita, makikita mo lang ako sa kwarto ko, nag-C-COC, alam niyo naman yun diba? Clash of Clans. Nakaka-adik yung larong iyun e. Hahaha.

Lumipas ang mga araw na puro ganun lang ang ginagawa ko, di ko nga alam kung pa'no ako naka-survive sa ganung buhay e. Ang boring pero masaya. Gets niyo? Ako, di ko gets. Hahaha. At bukas, Monday na naman at medyo excited ako kasi ngayon na lang ulit ako makakapasok sa school. Ngayon nga lang ako na-tuwa dahil Monday bukas e. Dati bwisit na bwisit ako tuwing Sunday night, at siguro nakaka-relate kayo sa pinag-daraanan ko tuwing Sunday ng gabi.

Haayy.. Sana maging maayos naman yung araw ko bukas. Sana---

Tok...tok...tok...

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Manang Luring po ito."

"Sige Pasok po kayo.."

"Sir, may bisita po kayo sa baba."





[A/N:] Sino kaya yung bisita ni Mike? Abangan niyo. Tiwala lang, maa-update ko pa tong story na to. Just believe in Miracle. Hahaha. Sa mga readers netong story na'to. I-endorse niyo naman to. Hahaha. Please, nagmamakaawa ako. Hahaha. So, Bye kiddos. Babalik ako. Mahal ko kayo e.

Love you :*

-RefMonster (the one who ate the last slice of pizza)

Too Late (On-hold)Where stories live. Discover now