AMPON... ( The Ending )

14.5K 300 157
                                    

Bago niyo basahin ang ending..ang pinaka-ending..pakibasa muna ang mga sasabihin ko..

Sa mga nakasama ko sa pag-uumpisa ko alam niyo na hindi ako naglalabas talaga ng inis ko..lahat ng comment niyo ay sinasagot ko ng maayos. Gusto ko lang malaman ng iba sainyo na hindi po ako fully writer dito sa wattpad dahil may buhay din ako sa labas ng mundong ito ( nasa profile ko iyon ). Isang libangan lang po ito sa akin habang nasa malayo ang aking asawa. Hindi naman ako nagagalit gusto ko lang ipaintindi sa mga ibang readers. Alam ko din naman na may mga readers ako na nakaka-overwhelm ang mga comment at sobrang ibinibigay niyo ang suporta niyo sa akin. Kahit hindi ako ganoon kagaling magsulat. Kahit baguhan lang ako..hindi ko na sila babanggitin isa-isa..dahil kilala na nila kung sino sila. Pero totoo nga ang kasabihan na 'you cannot please everybody'..alam niyo po ba na bukod sa pagsusulat ay reader din ako..gusto ko lang i-share sa'nyo na pagnagbabasa ako kung may hindi ako nagustuhan ay di ko iyon ikino-comment. Kapag hindi ko nagustuhan ang ending hindi ko sinisita ang author..kasi kung isa kang tunay na mambabasa lahat ng nasa istorya ay tatanggapin mo. Kahit ano pa ang katapusan niya. In short be open minded. Isa pa huwag kang magkukumpara ng gawa ng iba..that's rude..ang mga author ay may iba't ibang style ng pagsusulat hindi kami pare-pareho. Hindi kami magkakapareho sa takbo ng imagination. Sana maintindihan ako ng iba sainyo.. at sorry if naglabas ako ng sentimyento..salamat sa makakaintindi..


Thank u po sa mga nagbasa ng gawa ko..magpapahinga muna ako sa pagsusulat ng horror. Itutuloy ko muna ang romance ko..pagnatapos ko na iyon ay huwag kayong mag-alala inaayos ko din ang isusulat ko na another horror/suspense story ko..

Ang "BAHAY BAKASYUNAN"..

Salamat ulit!

<3 atascha



5 years later..


" Miguel? Nasaan na ang kapatid mong si Chelsea?? " tanong ni Eliza sa nagbabasang si Miguel. Nag-angat ng tingin ang nag-bibinata nang si Miguel.


" Hindi ko po napansin Mommy Eliza, hahanapin ko na lang siya. " isinara na nito ang libro at tumayo sa kinauupuan para hanapin ang kapatid.


" Bilisan mo lang ha, para makakain na kayo. " nakangiting sabi ni Eliza. Inaayos na niya ang mga pagkain sa mesa. Naglakad na palayo si Miguel upang hanapin si Chelsea. Nakatanaw lamang si Eliza sa bata habang papalayo.


Parang kailan lang ang mga pangyayaring naganap na hindi madaling ipaliwanag. Ngunit eto sila at buhay..hindi pa nga nila inaasahan ni Carl na bibiyayaan sila ng anak. Si Chelsea nga iyon..at si Miguel? Hindi kayo nagkakamali si Miguel na anak ni Mark ay itinuring na nilang parang tunay na anak. Sa America na nakatira ang bata at paminsan minsan kasi ay dumadalaw ito sa kanila kapag nasa Pilipinas. Ang lolo at lola niya sa side ni Mark ang nag-aalaga sa kanya.


" Uy, mare nasaan na ang mga bata? " napapitlag si Eliza sa nagtanong sa na iyon sa kanya.


" Bakit ang hilig mong manggulat Melanie?! Grabe ang puso ko ha.. " inirapan ni Eliza ang bagong dating na kaibigan.


" Ito naman..tulaley ka kasi kaya ka nagulat! Nasaan si Miguel at ang napakanganda kong inaanak na kamukha ng kanyang Ninang. May pasalubong kasi ako sa kanya."

AMPON...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon