This is tagged by @secretvhans
Dahil tinag ako ni @secretvhans kinailangan kong gumawa nito * oh ayan vhans ba..malakas kasi kayo sakin.. *.
I-share ko lang ang story kung paano ako napadpad sa mundo ng wattpad. Itong taon lang din ako nag-join sa wattpad. Siguro nasa 11months na ako at next year na ang anniversary ko sa wattpad. Last year pa nagkakagulo ang mga kaibigan or ka-officemate ko sa pagbabasa ng wattpad. Lagi silang nagpapalitan ng binabasa. Ako naman walang pakelam at kuntento na lang makinig. During graveyard duty may kasama ako sa work na laging busy sa pagbabasa at paminsan minsan ay naririnig ko siyang tumatawa. So tinanong ko siya kung anong binabasa niya sabi niya ay '100 days contract with you' yun ang una kong nabasa at nakikibasa lang ako dahil sira ang isang phone ko na pwede sa wattpad app. Hanggang inudyukan na nila akong magbasa. Ang sumunod na pinabasa nila sa akin ay nagustuhan ko talaga. Ang gawa ni Ms. Yui na ' You won't like him when his mad', as in doon ako nagkainteres gumawa ng account ko sa wattpad. Tapos pinagawa ko na ang phone ko at kauna-unahang dinownload ko ay ang wattpad app. Hanggang sa na-addict na akong magbasa ng magbasa sa wattpad.
Natututo akong gumawa ng story mga March or May yata yun kaso trial lang naman parang hindi pumatok 'hiatus' ang resulta. Mga July nung ako gumawa ng first ever story ko. Ang 'When the night fall', unang reader ko mga ka-opisina ko lahat sila binabantaan ko na basahin iyon at magvote. Hindi ko alam na papatok siya kasi naisip ko katulad siya nung nauna kong story na lalangawin. Nakipagpustahan pa nga ako na pagpumasok sa top 100 ang story ko sa loob ng 1week ay magpapa-BFF ako. Nang silipin ko ang story ko mga 4days after kong sabihin iyon ay nagrank siya ng 34 sa Horror at 60 something sa Mystert/Thriller. Kaya natalo po ako at nabutas ang bulsa.
Dahil sa ka-adikan ko sa wattpad may author akong finallow at hanggang FB ay sinundan ko siya. Siya po ang gumawa ng BC ng WTNF si ms. @bellalona. Check niyo account niya maganda din mga story niya. Nung magkaroon ng MIBF ay pinilit ko talagang makapunta kasi darating siya. Na-meet ko siya kaya lalo pa akong nainspire na magsulat sa wattpad.
Alam niyo ba na tinagurian na akong Horror Queen sa office dahil nasundan pa ng isa pang horror na Ampon at Third Eye ang story ko..
Sa ngayon ay aktibo po akong member ng isang grupo na pinamumunuan ni @searchandrescue.
So, iyon lang po dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa susunod na wattpad life ko.
Thank you sa pagsuporta...
Godbless sanyo.. :))
<3 atascha.
BINABASA MO ANG
AMPON...
HorrorBawat mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga mumunting anghel sa kanilang tahanan.. ....mga anghel na magbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang pamilyang bubuuin. Anghel na bubuo sa pangarap nilang kumpletong pamilya. Ngunit sa mag asawang hindi mab...