Ang Aksidente

26.9K 478 82
                                    

Dedicated po sayo kasi from WTNF hanggang dito nakasubaybay ka..

-----------------

SCREEEETCHHHH!!!!

BOOOGGG!

Ito lang ang tanging maririnig mo ng magsalpukan ang dalawang sasakyan. Lahat ng nakakita ay nagtakbuhan palapit upang usisain ang mga taong lulan niyon. Sa itsura kasi ng dalawang sasakyan..sa pagkayupi niya ay iisipin mong wala ng mabubuhay na sakay niyon.

" Tumawag kayo ng ambulansiya may buhay pa dito!!! " sigaw ng isang usisero.

Sa pulang sasakyan ay biglang bumukas ang pinto mula sa passenger's seat at may isang babaing halos gumapang na palabas. Duguan ang bahagi ng noo nito at may mga natamong.gasgas.

" Miss! miss! Okay ka lang?! " tanong ng isang usisero.

Medyo hindi makasagot ang babae dahil sa pagkahilo. Pero agad itong tinulungan.ng mga taong nakapaligid at itinabi sa gilid ng daan.

" Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?! may bata dito sa isang sasakyan at 'yung kasama niya malala!! "

Hindi nagtagal ay may dumating na dalawang ambulansiya at isang fire truck, agad inassist ang babae na nakalabas sa pulang sasakyan. Agad din nasaklolohan ang bata na lulan ng isang sasakyan. Nahirapan lang ang mga bombero at medical team sa paglabas sa babaing kasama ng bata. Naipit ang kalahati ng katawan nito sa nayuping sasakyan. May nakatusok na bahagi ng sasakyan sa kanyang dibdib at halos bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Pero kahit na parang nahihirapan na siya ay may sinasabi ito ngunit hindi maintindihan.

" Huwag na po kayong magsalita..makakasama pa " wika ng isa sa medical team.

Tumagal din ang ilang minuto at nailabas ito sa kotse. Isinakay sa stretcher at nilagyan ng oxygen mask. Agad na isinugod ito sa ospital. Sa isang ambulansiya naman ay maririnig mo ang tungayaw ng bata.

" Mamaa! mamaa! "

" Huwag ka na umiyak magkikita din kayo ng mama mo pagdating sa ospital.. " pagaalo ng isa sa medical team. Ngunit parang walang narinig ang bata.

" Mamaaa! mama koooo! "

Ang babae naman na nakaligtas sa pulang sasakyan ay tahimik lang na nakamasid sa bata. Nakakaramdam siya ng awa dahil sa murang edad ay sinapit na niya ito. Sa tingin pa lang niya sa babae kanina ay mukhang hindi na ito makakaligtas.

Biglang lumapit ang babae sa bata at hinawakan sa kamay, bahagya pa niya itong pinisil pisil. Napatingin ang bata sa babae parang kinikilala siya nito. Ngumiti siya sa bata at hinimas niya ang buhok ng bata.

" Ako na lang muna ang mama mo.. " sumigok sigok ang bata at tsaka yumakap sa babae.

-------------

"Dok! dok Samaniego! " humihingal na tawag ng nurse. Napakunot ang noo ni Carl sa itsura ng nurse.

" Bakit? May problema nanaman ba ang pasyente ko sa room 12? " umiling ito.

" Hindi po! dok 'yung asawa mo po nasa ER! Naaksidente po! "

" Hah?! Sigurado ka ba diyan? Ano ang nangyari bakit siya naaksidente? " sunud sunod na tanong ni Carl sa nurse. Bigla siyang inatake ng kaba. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring hindi maganda kay Eliza.

Samantala, si Eliza ay nakamasid lang sa batang nagiiyak pa rin. Pagkakita nito sa inang nasa stretcher ay agad itong tinakbo ng bata.

" Mama! mama! Huwag mo po akong iiwan! " tungayaw ng bata. Ang babae namang na nasa stretcher ay nanlaki ang mata pagkakita sa kamay na nakahawak sa kanya. Ang isang nurse ay hinila palayo ang bata para mapakalma ang ina nito.

AMPON...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon