Ang Munting Anghel

26.7K 476 109
                                    

CARL's POV

" Ilang taon ka na nga pala? Hindi naman pwede na makakasama kita ng isang gabi na wala akong alam na kahit ano sa'yo.. " nakangiting sabi ni Eliza sa batang lalaki. Ako naman ay panay ang sulyap sa aking asawa habang nagmamaneho.

Ngayon ko lang ulit nakitang ganito ang asawa ko. Ngayon ko na lang ulit nasilayan ang ngiti niya. Simula kasi ng mawala ang aming magiging anak sana..ay naging tahimik na ito at naging malulungkutin. Ngayon lang muli nagkabuhay ang malamlam niyang aura.

Kung hindi sana umandar ang kamalditahan ni Sarah, alam kong sinadya niya iyon para mawala ang anak namin. Natatandaan kong nasampal ko siya at pinagsalitaan ng masasakit. Napagbantaan ko nga yata din siya dahil sa nangyari. Galit na galit ako,  sobra sa ginawa niya. Matagal na kasi naming inaasam na magkaanak pero dahil sa inggit at paninibugho na nararamdaman ni Sarah ay nawala ang aming munting anghel. Nagagalit si Sarah kay Eliza dahil nagtapat siya sa akin na mahal niya ako ngunit hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya sa simula palang.

Hindi ko naman talaga kadugo si Sarah step sister ko lang siya kay tito Fernando, ang pangalawang asawa ni mama. Pagnakikita ko ang asawa ko ay nagi-guilty ako. Alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang magiging anak namin. Kaya para maiwasan ko ang guilt na nararamdam ko sinubsob ko sa trabaho ang sarili ko.

Madalas akong gabi na umuwi para tulog na si Eliza at hindi ko na siya maabutang gising. Pagumaga naman ay inaagahan kong umalis para hindi na niya ako abutan pag-gising niya. Dahil ayoko kasing makita ang mga mata niyang malungkot, lalo akong kinakain ng konsensya ko.

Pero hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikitang sigla ng aking asawa sa kaharap na bata.

" Six years old na po ako.. " ngumiti ang bata at lumabas ang ngipin nito na halos madami ng absent. Lalong lumapad ang pagkakangiti ng asawa ko.

" Ano naman ang pangalan mo? "

" Ako po si Angelito.. " mabilis na sagot ng bata. Nagulat ako ng marinig kong tumawa si Eliza.

" Napakabibo mo namang bata at maganda ang pangalan mo..Angelito..iyon ba ang ibinigay na pangalan sa'yo ng mama mo? Alam mo ba para kang isang anghel na pinadala sa akin.. " hindi ko maiwasang makaramdam ng pagbabara sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Eliza at sa nakikitang saya sa kanyang mukha.

"Pero ang mama ko.. " biglang lumungkot ang mukha ng bata.

" Alam ko sa ngayon hindi mo pa maiintindihan ang nangyari sa'yo pero ang mama mo kasi..paano ko ba ipapaliwanag sa'yo ito.. " napapakamot pa ng ulo ang asawa ko habang kinakausap ang bata. "..ang mama mo kasama na niya ngayon si Jesus..nasa heaven na siya.. "

" Ibigsabihin iniwan nanaman ako ng bago kong pamilya? " napakunot ang noo ko sa tanong ng bata. Kahit ang asawa ko ay nagtataka sa kanya.

" Anong ibig mong sabihin? hindi mo sila totoong pamilya? " tumango ang bata.

" Ang pangalan ko po ay binigay ng isang madre sa ampunan. Opo, hindi ko sila totoong magulang kinuha lang po nila ako sa ampunan. "  matalinong sagot nito.

" Ilang beses na po akong inaampon..siguro po pang-apat na sila..pagkukunin nila ako akala mo masaya silang pamilya..papangakuan nila ako na mamahalin at aalagaan na parang totoong anak nila..pero pagnakaroon na sila ng sarili nilang anak binabalewala na nila ako..may naging magulang pa nga po ako na binugbog ako at hindi pinakain..nakaalis lang ako ng magkasunog..tapos 'yong namatay kong mama..sabi niya isasama niya daw akong mamatay kasi dahil daw sa akin kaya iniwan siya ni papa.. " malungkot nakwento ni Angelito.

".. natatakot po ako..lagi na lang ganon ang nangyayari..hindi na po ako nagkaroon ng masayang pamilya..ang gusto ko lang naman po ay magkaroon ng masaya at buong pamilya..na magkaroon ako ng lugar na mabibilang ako..  " naguunahang tumulo ang luha nito sa mga mata niya. Niyakap siya ni Eliza.

AMPON...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon