Kinaumagahan..si Carl ay nasa may dining area, siya ay nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng mainit na kape. Si Eliza naman ay nagluluto sa kusina ng kanilang almusal.
Seryoso sa pagbabasa si Carl. Hindi sinasadya na mahagip ng kanyang mga mata ang isang balita..isang sariwang balita dahil kagabi lang ito nangyari. Ang nakalagay sa balita ay..
'Isang tanyag at magaling na abogado, natagpuang patay sa isang parking lot ng condominium.'
Napakunot ang noo ni Carl at dahil nakuha nito ang interes niya ay pibagpatuloy niya ang pagbabasa.
'Tinatayang kaninang pasado alas tres ng madaling araw ng matagpuang patay ang tanyag at magaling na abogado na si Attorney Jamie Ferrer sa loob ng kanyang sasakyan. Natagpuan ito ng isang security guard na si Mando Faustino, ang noo'y naka-assign mag-ikot sa nasabing parking lot. Habang nagiikot ng mga oras na iyon ay napansin nito na nakailaw ang head light ng sasakyan ng abogado. Nilapitan niya ito upang icheck. Nakita niya ang abogado na nakayuko sa manibela nito. Sa pagaakalang nakatulog lang ito at kinatok niya ito ng kinatok ngunit hindi man lang natinag ang abogado sa pagkakasubsob. Minasdan niya itong mabuti at napansin niya na tila hindi humihinga ang nakasubsob na abogado. Kapansin pasin din ang basang basa nitong kasuotan. Hindi na nagaksaya ng oras si S.G. Faustino at tumawag na ng back up. Agad naman dumating ang SOCO at inimbistigahan ang pangayayari. Sa ngayon ay hindi pa lumalabas ng naging dahilan ng pagkasawi ng abogado.
Tila nakaramdam ng panglalamig ng buong katawan si Carl sa binasang balita. 'Ano ang nangyari? Samantalang nagusap pa kami ni attorney patungkol sa pagaampon kay Angelito kahapon. Tapos sa isang iglap ay nawala si attorney.' Naitanong ni Carl sa sarili.
" Carl! Carl! my god Carl si Attorney! si Atttorney! " humahangos na lumabas si Eliza mula sa kusina. Halata sa itsura niya ang gulat.
" Alam ko na ang balita.. " nanlaki ang mata ni Eliza.
" N-nasabi na sa'yo ni a-Attorney F-Ferrer? " nanginginig na tanong ni Eliza. Nangunot ang noo ni Carl sa tanong niya. Hindi ba alam ng asawa niya na patay na si attorney? Anong balita ba ang ikinagulat niya?
" What do you mean na nasabi na ni Attorney? "
" Akala ko ba alam mo na ang balita? Tapos tinatanong mo ako. " halata ang pagkainis sa boses ni Eliza. " Napanood ko sa balita na natagpuang patay ang magiina ni Attorney Ferrer, pero wala si Attorney ng mangyari ang krimen..ang magiina daw ay basang basa..according sa SOCO ay pagkalunod daw ang ikinamatay ng tatlo..pero natagpuan ang mga katawan nila sa loob ng kwarto..wala namang palatandaan na pinasok sila ng magnanakaw dahil sa wala namang nawala. Ayon din sa kanila, napakalinis ng krimen wala man lang daw ebedensiyang iniwan.. "
Nanindik ang balahibo ni Carl sa ikinuwento ng naiiyak na si Eliza. Alam niya ang nararamdaman ng asawa, dahil mabait ang maybahay ni Attorney. Masyado pang bata ang mga anak nito. Parang coincidence na lahat sila ay namatay ng sabay sa loob ng isang araw. Tumayo si Carl at nilapitan si Eliza. Niyakap ko niya at inalo ito dahilan para hindi napigilan ni Eliza ang umiyak. Kilala ni Carl si Eliza..napakapusong mamon nito.
Ang gumugulo sa isip ni Carl ay posible bang magkaroon ng krimen na walang ebedensya? walang suspect na maituro?
Bahagya inilayo ni Carl si Eliza sa pagkakayakap at tinitigan sa mata.
" E-Eliza..patay na din si Attorney Ferrer.. " nanlaki ang mga mata ni Eliza.
" Pa..paanong nangyari? "
Hindi pa din nawawala ang gulat sa mukha niya.
" Natagpuan siya sa loob ng kanyang sasakyan sa isang parking lot ng isang condominium..at gaya ng kanyang magiina ay basang basa din ang damit niya.. " naiwang nakaawang ang mga labi ni Eliza.
BINABASA MO ANG
AMPON...
HorrorBawat mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga mumunting anghel sa kanilang tahanan.. ....mga anghel na magbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang pamilyang bubuuin. Anghel na bubuo sa pangarap nilang kumpletong pamilya. Ngunit sa mag asawang hindi mab...