" Hello? " sagot ni Julai sa nagring na telepono. Pero hindi niya marinig kung sino man ang nasa kabilang linya, dahil putol putol ang nagsasalita sa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen ng phone at si Carl ang tumatawag pero hindi niya ito maintindihan.
" Hello..Kuya Carl? Hindi kita maintindihan.. " sagot ni Julai.
" Si...Eliza...mag-ingat kayo..si Angelito... " biglang naputol ang linya. Napakunot noo tuloy si Julai sa tawag na iyon. Hindi niya maintindihan si Carl sa sinasabi nito na mag-ingat. Mag-ingat para saan? Kanino?
Sinubukan niyang i-dial ang number nito pero nakapatay na ito. Baka gagabihin lang iyon at baka ibinilin lang na mag-ingat silang tatlo dahil sa dami ng krimen na nangyayari sa panahon ngayon. Nagkibit na lang siya ng balikat at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro.
Si Angelito naman ay nakasilip sa bungad ng balkonahe.
" Tsk! Mukhang si Dok Carl iyon baka kung ano na ang nasabi nito sa kanya..mukhang kailangan ko nanamang may patahimikin.. " bulong nito sa sarili.
-------------
Si Julai ay nagbabasa ng libro sa may balkonahe ng may marinig siyang tumawag sa pangalan niya.
" Julai! " boses iyon ng isang babae at nagmumula ito sa ibaba. Sinara niya ang librong binabasa at nilapag sa ibabaw ng glass table.
" Ate Eliza..ikaw ba 'yan?! May kailangan ka ba?! " ganting sigaw ni Julai sa tumatawag sa kanya.
" Julai! Julai! Halika dito! " sigaw nanaman ng isang babae sa ibaba ng bahay. Naglakad si Julai papasok sa loob ng bahay. May nahagip ang mata niya na tila anino ng babae na pababa ng hagdan.
" Ate ikaw ba 'yan? Anong kailangan mo? " ulit ni Julai sa tanong niya kanina.
Sa pag-aakalang si Eliza iyon ay sinundan niya ito. Bakit hindi niya pagkakamalang si Eliza ang nakita, kasing laki at hubog ng kapatid ang anino na nakita niya. Pagkarating niya sa puno ng hagdan ay tiningnan tingnan niya ang ibaba ng hagdan kung naghihintay ang kapatid niya doon. Ngunit wala ni isang bakas ng nakakatandang kapatid.
" Ate! Ate Eliza! Nasaan ka ba?! " tawag nito sa kapatid. May naramdaman si Julai na parang may tao sa kanyang likod kaya lilingunin niya sana..pero bago niya malingon ito ay tinulak na siya nito pababa ng hagdan. Nagpagulong gulong si Julai pababa at malakas na humampas ang kanyang likod sa hawakan ng hagdan bago bumagsak sa ibaba. Napapaungol lang sa sakit si Julai, gustuhin man niyang magsalita ngunit tila walang boses na lumalabas. Umiikot na ang kanyang paningin, hindi rin niya maikilos ang katawan parang namanhid siya. Nakita niya na may nakatayo sa pinakatuktok ng hagdan at pinilit niya itong inaaninag kahit na nanlalabo na ang kanyang mata. Ang isang mata niya ay may tumatakip na kulay pulang likido. Dugo! Siguradong may sugat siya sa kanyang ulo. Dinidilat niya ang mata niya para makita ang taong nasa tuktok ng hagdan. Ngunit unti-unti na nagsasarado ang kanyang mga mata..pero bago pa man na magsara ang kanyang mata ay naaninag niya si Angelito na nakatayo sa kanyang harapan na nakangiti. Naisip ni Julai kung bakit ito nakangiti..siya ba ang magtulak sa kanya upang malaglag siya sa hagdan? Pero bakit? Namutawi sa kanyang bibig ang pangalan ng bata pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.
" Mama Eliza! Mama Eliza! Si Tita Julai! Si Tita Julai nahulog sa hagdanan! " sigaw ng umiiyak na si Angelito. Lumabas naman si Eliza galing sa pinto sa kusina. Nasa likod bahay kasi ito at inaayos ang mga tanim na orchids. Nataranta ito ng makita ang kapatid na nakahandusay sa sahig malapit sa hagdan. Nilapitan.nito ang kapatid na walang malay at tinapik tapik ang pisngi.
" Anong nangyari Angelito?! Bakit siya nahulog?! " histerikal na tanong ni Eliza sa bata. Naiiyak na siya sa itsura ng kapatid hindi niya pwedeng galawin ang katawan nito basta basta dahil mamaya ay may bali ang buto nito mapalala niya pa.
BINABASA MO ANG
AMPON...
HorrorBawat mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga mumunting anghel sa kanilang tahanan.. ....mga anghel na magbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang pamilyang bubuuin. Anghel na bubuo sa pangarap nilang kumpletong pamilya. Ngunit sa mag asawang hindi mab...