CARL's POV
" Good afternoon attorney..have a seat.. " after ko tawagan kaninang umaga si attorney para sa mga dapat asikasuhin sa pagaampon kay Angelito ay ngayon lang nagreport si attorney sa akin. Tama, pina-background check ko na din ang bata para makasiguro na hindi ito ginagamit lang ng sindikato.
" Thank you doctor Samaniego..hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..sigurado ba kayong gusto niyong ampunin ang bata? " napakunot ang noo ko sa bungad ni attorney sa akin.
" Anong ibig mong sabihin attorney? May natuklasan ka ba tungkol kay Angelito? " tumingin muna ito sa pinto bago nagsalita. Nahalata ko si attorney na gusto nito na kami lang ang magusap at mukhang confidential ata ang bagay na natuklasan niya.
" Nagpunta ng mall sila Eliza kasama ang bata. Tayo lang ang nandito attorney. " paninigurado ko sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa bahay, sa library. Nagleave muna ako sa ospital para makabawi kay Eliza. Dapat kasama ako sa mall kaso tumawag nga si attorney at importante ang sasabihin kaya sila na lang ang pinatuloy ko.
Napansin ko na may inilapag siya sa aking mesa na isang brown envelope at ilang mga folder.
" Ano ang mga ito? " tanong ko sa kanya.
" Ang mga iyan ay naglalaman ng tungkol kay Angelito San Pedro. May mga ilang pictures din diyan at ilang details ng mga umampon sa kanya.. " napaisip ako sa sinabi ni attorney kaya binuklat ko ang folder.
Tama nga si Angelito apat na ang pamilyang umampon sa kanya. Ang mga pamilya ay mga mayayaman din na katulad ko. Binasa ko pa ang iba at mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa mga nangyari sa pamilyang umampon sa bata. Nakaagaw ng pansin ko ang pangalan na 'Warren Dantes' .
" Warren Dantes.. " si Warren ba na batchmate ko sa medical school or baka kapangalan lang.
" Yes, Warren Dantes..isang doktor..parang same yata kayo ng med. school na pinasukan.. " si Warren nga..nabalitaan ko sa news ang pagkamatay niya or ang pagpapakamatay niya..pero ayon sa imbestigasyon ang baril na ginamit niya sa pagsu-suicide ay walang bakas ng finger print at ang pamilya nito ay kalunos lunos ang sinapit. Tinitingnan ang anggulong murder ngunit hanggang ngayon ay walang suspect na lumulutang.
" Ayon din sa imbestigasyon na hindi naman pagnanakaw ang pakay dahil wala namang nawala sa gamit nila at pera. Ang nakapagtataka ay tanging ang batang inampon nila ang nakaligtas..iyon ay si Angelito. Natagpuan ng mga pulis ang bata sa tabi ng asawa ni Warren. Nang tanungin nila ito kung bakit siya duguan alam mo ba ang sinagot nito? " nababahalang tanong ni attorney.
"..pinahiran niya ang sarili niya ng dugo para hindi daw siya makita ni Warren at pinagtatangkaan siyang patayin nito.. " napapikit ako sa sinabi ni attorney.
" Lahat ng pamilyang napupuntahan ni Angelito ay maayos at pasado sa psychological exam..pero ang nakapagtataka ay kung hindi nababaliw ito ay nagpapakamatay.. may iba man na hindi nagpakamatay..pero natatagpuan na wala ng mga buhay..at laging natatagpuan si Angelito sa lugar ng krimen.. " kinilabutan ako sa pahayag na iyon ni attorney. Posible ba ang bagay na iniisip ko ngayon? na may kinalaman si Angelito sa lahat ng iyon?
" Wala bang nakaligatas man lang sa mga kumupkop sa kanya? Kahit isa lang para matanong? " tanong ko kay attorney.
" Merong isa..ngunit gaya ng sabi ko kanina na may mga nawawala sa katinuan. Gaya nalang ni Melanie siya ang pangalawang pamilya na umampon sa bata. Hindi ito makausap ng maayos. Madalas na bumubulong ito na demonyo daw ang bata. Sa tuwing babanggitin mo ang pangalan ni Angelito ay nagwawala ito sa takot.. " hindi ko kinakaya ang mga sinasabi ni attorney sa akin. Sumasakit ang ulo ko. Kaya hindi ko napigilang masahihin ang sentido ko.
BINABASA MO ANG
AMPON...
HorrorBawat mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga mumunting anghel sa kanilang tahanan.. ....mga anghel na magbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang pamilyang bubuuin. Anghel na bubuo sa pangarap nilang kumpletong pamilya. Ngunit sa mag asawang hindi mab...