Ang Hiling na Di Matupad

37.4K 648 66
                                    

ELIZA's POV

Hindi ko maiwasang mainggit sa isang pamilya na masayang kumakain isang mesa lang ang layo mula sa akin. Masayang masaya ang mag-asawa habang inaasikaso ang kanilang anak. Bakas sa mga ngiti nila ang pagmamahal para sa batang babae na bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang batang babae ay nasa apat na taong gulang na siguro..nakakadala ang inosente niyang ngiti at ang mga mata niyang tila nagniningning. Ang bata ay may cute na dimple kapag ngumingiti. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naririnig kong kinakausap niya ang mga magulang niya. Napaka-bibong bata. Siguro kung nabuhay ang anak ko, dalawang taon na siguro siya ngayon..malamang kinakausap din niya ako gaya ng bata. Nginingitian, niyayakap at sasabihan ng 'I Love You' .

" Ate..malungkot ka nanaman.. " basag ni Julai sa pagmamasid ko sa masayang pamilya. Napabaling ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng tipid. Napatingin din pala siya sa pamilya na kumuha ng atensyon ko.

" Huwag kang mawalan ng pag-asa ate..matutupad din ang dinarasal mo..bibiyayaan ka din ng munting anghel.. " bakas sa mukha ng bunsong kapatid ko ang simpatya para sa kalagayan ko.

" Sana nga.. " bulong ko sa sarili ko pero narinig pala iyon ni Julai.

"Ate Eliza bata ka pa naman, huwag kang mawalan ng pag-asa..magdasal ka lang ng magdasal. Isa pa sa panahon ngayon high tech na. Lahat posible na.. " nakangiti siya sa akin, alam kong pinalalakas lang niya ang loob ko. Matagal ko ng alam na malabo ang porsyentong magkaanak ako. May problema ang ovary ko. May cyst ako sa parehong ovary ko at ang nagpapahirap pa sa aking magbuntis ay ang irregular na period ko. Ilang beses na ba na muntikan na matupad ang hiling ko? Dalawa? Tatlo? Tama tatlo.. tatlong beses na akong nagbuntis pero nakukunan ako..ang pinakamasakit ay nitong nakaraang dalawang taon lang. Anim na buwan na ang dinadala ko na sanggol sa sinapupunan ko. Tumigil pa nga ako sa pagtatrabaho ko para lang matutukan ang pagbubuntis ko. Hindi nga matawaran ang saya namin ni Carl, dahil sa wakas nakabuo na kami. Hindi na hanggang isang linggong pagbubuntis para makunan lang. Tatlong buwan na lang bago isilang ang anghel namin ni Carl. Ngunit dahil sa isang di inaasahang pangyayari..nalaglag nanaman ang sanggol..ang anak ko..dahil sa kapatid ni Carl..si Sarah. Ipinaghanda niya ako ng pagkain at isa sa ingridients noon ay may allergy ako kaya naapektuhan din ang sanggol sa sinapupunan ko.

Dahil doon ang masaya naming pagsasama ng aking asawa ay nanlamig. Kahit na sinabi niya na okay lang iyon. Huwag ko na daw isipin hindi iyon mababago na nabahidan ang pagsasama naming mag-asawa. Ang kapatid niya? parang wala lang nangyari.. humingi siya ng tawad pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang ismid sa mga labi niya.

" Tara na ate? " aya ni Julai sa akin para umalis na kami sa restaurant.

" Salamat nga pala sa pakikinig mo sa sentemiento ko hah.. "

" Ano ka ba wala 'yun! Para ano pa't naging magkapatid tayo.. " natatawang reaksyon ng kapatid ko sa akin.

Naglalakad na kami sa parking lot at bago kami naghiwalay para magtungo sa kanya kanya naming sasakyan ay niyakap niya ako ng mahigpit.

" Basta kapag may hinanaing ka ulit sa buhay alam mo na ang ida-dial mo.. " tumango lang ako at kumaway pa siya bago sumakay sa kanyang sasakyan.

Tinatahak ko na ang daan papunta sa aming bahay. Alas otso na ng gabi wala masyadong kotse ang dumadaan. Hindi ako nagmamadali dahil alam ko namang walang nag-hihintay sa akin pag-uwi ko sa aming bahay. Wala akong aabutan doon kundi ang madilim at tahimik naming tahanan. Nagbago na kasi si Carl pagkatapos kong makunan ng ikatlong beses. Palagi na.siyang maiinitin ang ulo at kung minsan malamig ang pakikitungo niya sa akin. Para kaming hindi magkakilala kahit nasa isang bahay lang kami. Mas madami pa ang oras niya sa ospital kaysa ang manatili siya at makasama ako. Hindi na nga din niya ako tintawagan or i-text para kamustahin di tulad noon halos oras oras niya akong tawagan at nagsesend ng sweet message. Ayoko kong pansinin ang pangamba na nabubuo sa aking isipan. Pangamba na nambabae na siya dahil hindi ko maibigay ang nais niya na magkaroon ng isang buong pamilya..

Dahil sa lalim ng pagiisip ko, nagulat ako sa sumulpot na sasakyan sa harapan ko..nasilaw ako sa liwanag ng headlight nila at lahat sa akin ay nagdilim na..

-----
hello ito na ang simula..
vote, comment if okay siya sa inyo..

AMPON...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon