sa kabilang dako naman ay nanggagalaiti na sa galit si jack dahil kanina pa nila hinahanap si nancy pero di nila ito makita halos kulang nalang baliktarin niya ang buong pack house pati nga ata bahay ng daga ginalugad na nila pero ni anino o hibla ng buhok nito di nila makita.
napatingin siya kay nico napapalapit sa kanya.
" alpha ayun sa nalaman ko nakita ng mga bata dito kanina ang luna na naglalakad lakad pero di daw nila napansin kung saan ito pumunta "
lalo lang nag init ang ulo niya sa narinig.
" dapat tiningnan nila kung saan pumunta ang luna nila "
napakamot naman ng batok ang beta niya sa kanyang sinabi alam niyang may gusto pa sana itong sabihin kaso di na nito itinuloy pa dahil dumating si nikki na halatang galing sa pagtakbo dahil parang nililipad pa ang buhok nito at hubad ito.
"alpha ayun sa mga pack warrior natin huling nakita ang luna papasok sa talon na bato "
agad siyang kinutuban at parang biglang kinabahan sa di malamang dahilan sasabihin niya sana kay nico na hahanapin doon ang kanyang luna ng bigla silang makarinig ng malakas na alulong na nanggagaling sa loob ng talon na bato.
" Awooooooooohhhhhh.
Awooooooooohhhhhh.
Awooooooooohhhhhh."ramdam niya ang lungkot at paghingi ng tulong nito para siyang nanghina ng mapagtanto kung kanino galing ang alulong na iyon nakita niya ang pag labas ng lahat ng taong lobo sa kanikanilang mga tirahan nakita din niya ang kanyang ama na nagtatagis ang bagang ang kanyang ina na umiiyak at ang kapatid niya pati narin si rhian na humahagolhol na si daryl na mapupula ang mata tumingin ito sa kanya at tumango saka ito umalolong ng napakalakas.
" AWWOOOOOHHHHHHH"
agad na umalolong ang lahat ng lalaking lobo at sa hudyat ni daryl ay agad silang umalis na magkakasama naka sunod siya kay daryl habang nasa likod niya ang kanyang mga myembro na lalaki at nakita rin niya sa tabi ni daryl ang beta nito at delta na sa palagay niya ay narinig ang alulong ng kanyang kapatid at ni daryl habang palapit sila ng palapit nakita nila ang pag dami ng mga lobo na dumadating lahat ng pack alphas ay nandito tanguan lang ang nagagawa nila ng makarating sila sa talon na bato ay nanghina siya sa nakikita dahil nakikita niya ang pagiyak ng kanyang luna habang pinipilit nitong ginigising ang kapatid niya pero biglang sumidhi ang galit niya dahil sa nakitang lobong nakapalibot dito nasa dalawang pong lobo iyon kaya dali dali siyang nagpalit anyo at sinugod ang mga ito bakas ang pagkabigla sa mga kalaban nilang lobo ng makita siya tatakbo sana ang mga ito ng harangan ito ng iba pang mga alpha ang daraanan nila kung kaya di sila nakatakbo napayuko nalang ang mga ulo nito at napaluhod hudyat na sumusuko na ang mga ito.
gusto ni jack pumatay pero mas pinili niya nalang muna lapitan ang kanyang luna na wala paring tigil sa kaiiyak at kagigising sa kapatid niya.
hinawakan niya ang kamay nito at dinama ang pulso ng kapatid nakapa niya ang mahina na nitong pulso kung kaya dali dali siyang napabaling kay nico.
" beta nico dali dalhin mo si jerzon sa pack clinic pahina ng pahina na ang pulso niya pag di siya naagapan baka may mangyari sa kanya."
tumango naman si nico at nag anyong lobo saka nito pinasan sa likod si jerzon at tumakbo paalis kasama ang ibang pack member at pack warrior.
binalik niya ang paningin niya kay nancy na umiiyak parin habang yakap ang sarili kukunin niya sana ang damit ng kapatid niya na nasa dibdib nito ng bigla iyon nahulog na siyang ikinagalit niya dahil sira na pala ang damit nitong suot may kung ano anong senaryo ang pumasok sa isip niya pero di niya ito pinansin bagkos pinakalma niya muna ang sarili tsaka lumapit sa mate niya at isinuot dito ang hinubad niyang damit tsaka niya ito niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Lost Alpha's Mate
Loup-garouWolf series #1 Ang nais lang ni nancy ay mahanap ang bahay ng kaibigan ng tatay niya na nag alok ng trabaho sakanya. Kaya lumuwas siya ng maynila pauwi ng samar dahil andun daw ito nagtatrabaho sa isang kilalang angkan. Ang hindi niya alam ay planad...