Chapter 8 = Jerzon=

22 1 1
                                    

Nais ko lang po ipaalam sainyo na mula sa chapter na ito ay baka magtaka kayo kung ba't di ko na ginawang p.o.v naisip ko kasi na maganda kung someone p.o.v nalang lahat kaya sana maintindihan niyo salamat ng marami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

makalipas ng dalawang araw ay naibalik na ang dating sigla at lakas ng katawan ni nancy kaya nakakalabas labas na siya ng pack house.

kagaya nalang sa araw na ito nasa labas siya at naglalakad lakad para maka langhap ng sariwang hangin habang naglalakad siya di niya napansing nakalayo na pala siya at napunta sa isang talon na napakaganda ng tanawin dahil sa kumikintab ang tubig nito at kita niya ang nag gagandahan at makukulay na isda.

"wow may gantong lugar pala dito "

namamanghang sabi niya habang nililibot ang paningin sa buong lugar.

" bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganto kaganda lugar "

napa talon sa gulat si nancy ng may mag salita sa likod niya kaya dali dali siyang napa lingon dito at napa atras ng makita ang di pamilyar na itsura nito.

dahil sa isang linggo niya mahigit sa pack house kilala na niya lahat ng tao doon kaya alam niyang di taga pack house ang lalaking kaharap niya ngayon.

" sino ka at anong ginagawa mo dito "

natatakot na tanong niya habang umaatras siya palayo dito natatakot siya dahil naamoy niya ang malansa at mabaho nitong amoy at alam niya ibig sabihin ng amoy na iyon isa itong kalaban o tinatawag na rogue sinabi kasi sa kanya ni jack ang amoy ng mga rogue o yung mga lobong walang pack sinabi nito sa kanyang kaaway raw ang mga rogue at alam niya iyon dahil nabasa niya iyon sa librong nakita niya sa kwarto nila ni jack.

" wag ka matakot sakin marunong ako tumupad sa napagkasunduan na walang magaganap na labanan at sa tanong mo ako nga pala si jerzon ang alpha ng mga rogue at nandito ako dahil may tiningnan akong mahalagang bagay para sakin"

natigil sa pag atras si nancy ng mapansin niyang naglakad palayo sa kanya si jerzon at umupo ito sa isang malaking bitak na bato tsaka tumingin sa kanya at tinuro ang malaking bato rin sa tabi niya kaya naupo siya doon.

dinaman maiwasang mapangiti ni jerzon dahil sa nakikita niyang takot sa mata ng babaeng kaharap niya ang totoo wala siya sanang balak lapitan ito at kausapin kaya lang di na niya naiwasang mag salita ng makita niya ang paghanga nito sa lugar para din kasi itong si rhian ng una nitong makita ang lugar na ito napahanga din ito.

" tika jerzon tama ba ako jerzon ang pangalan mo bat ka ngumingiti na parang timang jan "

napaayos ng upo si jerzon at biglang pinaseryoso ang mukha na siyang ikina taka ni nancy.

" ay paiba iba ng mood si kuya parang baliw lang "

The Lost Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon