Chapter 1 = Pack house=

36 1 0
                                    

Nancy P.O.V

Ilang araw na ba akong naglalakad dito sa kagubatan na to at hanggang ngayon diko parin mahanap yung bahay na sinasabi ng tatay ko.

Napapagod na ako kalalakad at ubos na rin ang pagkaing dala ko pati tubig ko ubos na at kung minamalas ka nga naman wala akong makitang bahay o kahit talon manlang dito para sana uminom dahil uhaw na talaga ako.

Uupo na sana ako sa isang puno ng makita ko ang liwanag ng buwan at sinundan ko ang liwanag nito doon nakita ko ang isang matayog na gate oo gate talaga at malaki siya sobrang laki may napansin din akong nakaukit na mga litra sa taas nito pero diko mabasa kaya naglakad ako palapit dito para mabasa ko ito ng maayos at nabasa ko siya ang nakalagay dito ay RIVEN MOON PACK.

" hmmm ano to hachenda ba o hotel "

Pagkausap ko sa sarili ko

" may hotel ba sa loob ng gubat "

Nabigla naman ako ng may magsalita nanaman sa loob ng utak ko iwan ko kung konsensya ko ba siya o baka kakambal ko na di nakalabas kaya nabuo sa isip ko.

" gaga dimo ako konsensya at lalong di kakambal ako ang kalahati mo at malalaman mo rin balang araw kung ano ako "

" oo nalang lucy "

" tsk maglakad kana ngalang jan papasok jan para makahingi tayo ng pagkain o kahit inumin sa totoo lang gutom na ako at dimo gugustuhin magutom ako "

" oo na ito na di lang ikaw ang gutom na para - "

Wow ha di manlang ako pinatapos sa sasabihin ko talagang nawala nanaman siya na parang bula bwesit na asong yun.

Oo aso tawag ko sa kanya kasi aso naman talaga siya naalala ko pa nong 10 birthday ko ng bigla nalang sumakit ang katawan ko tas parang binibiyak ang mga buto ko nun din after that boom lumabas siya bata palang ako nasa loob ko na siya diko nga alam kung bakit may aso na nakatira sa katawan ko ehh ayaw naman niyang sabihin sinasabi niya lang lagi sa tamang panahon parang si tatay at nanay din siya pag may tanong ako yan lagi sinasabi nila sakin.

Papasok na dapat ako sa loob ng biglang may humarang saking limang lalaki na sa palagay ko ay bantay ata pero bat walang baril na hawak napailing nalang ako.

" sino ka at anong kailangan mo dito sa pack namin "

Tanong sakin nong lalaking matangkad na sa tansya ko ay nasa 30 pataas na

" ahm ako po si Nancy Heart ano po kasi nauuhaw po ako magtatanong sana ako kung popoydi akong makiinom ng tubig ilang araw na kasi ako dito sa gubat kahahanap sa bahay na pinagtatrabahoan ng kaibigan ng tatay ko kaya naubos na ang pagkain ko at tubig kung poydi po sana makahingi plzzzzzzz "

Pagmamakaawa ko sakanila nakita ko naman nagtinginan sila napansin ko parang nag uusap sila gamit lang ang isip nila.

" pero baka magalit si alpha "
- kuya 1

The Lost Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon