Nico P.O.V
Ng makita ko na nasa tapat na kami ng pack house ay pinarada ko sa isang sulok ang kotse ko at saka bumaba para alalayan ang mahal kung asawa.
Ng makababa na siya ay saka ko naman binuksan ang back set kaso walang lumabas doon kaya tiningnan ko at nakita kung natutulog si nancy yung babaeng nakita ko kanina sa bukana ng teritiryo namin.
" mahal natutulog ang bisita natin gigisingin ko ba "
Tanong ko rito ayaw ko namang buhatin baka kasi mag selos ito at magalit sakin yun ang ayaw ko mangyari ayus pa ako makipaglaban sa napaka raming rogue wag lang magalit ang mate ko dahil iba magalit yan.
" kukunin ko nalang si cloyde
( kloy - de ) buhatin mo nalang si nancy pansin ko kasi pagod talaga ito at halatang ilang araw na siyang naglalakad "Tumango nalang ako sa sinabi nito nakakapagtaka talaga na di siya nagselos dati naman ni lumapit lang ang babae sakin nagwawala na yan.
" alam ko yang tingin mo na yan mahal iwan ko ba parang ang gaan ng loob ko sa kanya diko alam kung bakit pero may nararamdaman akong connection sa kanya na parang sinasabi na ingatan natin siya "
" parehas tayo ng nararamdaman mahal ng makita ko siyang umiyak kanina parang nasaktan ako na makita siyang umiiyak "
Sagot ko dito habang naglalakad kami papasok sa kwarto ni cloyde doon muna namin ilalagay si nancy sa kwarto ni cloyde dipa kasi alam ni alpha na may bisita kami kaya kailangan ko munang ipagpaalam pero sana lang di mainit ang ulo ng alpha ngayon kundi mabubulyawan ako nun dahil nagpapasok ako ng tao sa pack house namin.
Pagkalapag ko kay nancy ay tiningnan ko siya matangos ang ilong niya at mahahaba ang pilik mata mapupula ang labi at maputi ang balat niya kulay ginto na may halong puti ang buhok niya na itinali nito.
" mahal parang napansin ko may pagkakahawig kayo ni nancy ang pinagkaiba niyo lang ay kulay ng buhok sayo kasi ang puti samantala ang kanya ang ginto pero napapansin ko may puting lumalabas sa buhok niya "
Lumapit ako dito at yumakap ng mahigpit sa bewang niya saka inamoy ang leeg nito na laging nakakapag paligaya saakin at sa wolf ko.
" sana lang ay hindi mainit ang ulo ni alpha ngayon kundi yari ako doon dahil nagpapasok ako ng tao sa teritoryo natin "
" yun nanga rin ang iniisip ko kanina pa sa daan sana lang di mainit ulo nun ngayon dahil sigurado ako paaalisin niya si nancy dito sa pack natin at baka di lang yun ang gawin niya baka takotin pa niya ito gaya ng pananakot niya sa mga taong naliligaw dito sa teritoryo natin "
Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko di naman maiinitin ang ulo dati ng alpha namin ang totoo niyan masayahin siya dati pero dahil sa pangyayari sa nakaraan kaya nagbago siya nawala ang masayahing siya.
" sana mahanap na ni alpha ang luna para kahit papano sumaya na siya ulit dahil ang tanging pag asa nalang natin ngayon ay ang second chance mate niya "
Bigla akong nalungkot sa sinabi ni athena dahil naalala ko nanaman ang kapatid ko. Lumabas ako ng kwarto ni cloyde at umupo sa sofa namin kinuha ko ang wallet ko tsaka tumingin sa litrato ng isang batang babae doon sa litrato isang taong gulang palang ito at siya ang kapatid kung babae kung sana nabubuhay pa siya edi sana masaya parin kami hanggang ngayon ang kapatid ko kasi ang mate ng alpha namin pano ko nalaman dahil nong isinilang ang kapatid ko ay naamoy ni alpha ang amoy ng mate niya kaya nalaman niyang mate niya ang kapatid ko.
alam kung naguguluhan kayo dahil bata pa kami ni alpha noon nasa sampung taon palang kami pero iba si alpha at ang kapatid ko dahil talagang itinakda sila ni moon goddess pero dahil sa isang pangyayari sa nakaraan namatay ang kapatid ko naaalala ko pa noong araw na mangyari ang pagpatay sa kapatid ko.
Namamasyal kami nun naghahanap siya ng magandang bulaklak para sa kapatid ko nagagawin daw niyang korona para dito bata pa kami pero alam ko mahal na ni alpha ang mate niya kaya masaya ako para dito habang naghahanap kami ay bigla nalang ako nakaramdam ng parang may tumarak sa dibdib ko at sobrang sakit kaya napahiga ako sa lupa noon si alpha naman ay biglang umiyak sa di niya malamang dahilan nong nawala na ang sakit saka lang pumasok sa utak namin ang nangyari huli na ng makarating kami ng pack house nakita ko ang pag iyak ng mama ko at ni papa kaya tiningnan ko ang iniiyakan nila doon nakita ko ang wala ng buhay na sanggol na babae wasak ang mukha nito at may nakatarak sa puso nito isang maliit na kotsilyong pilak doon nagbago ang lahat naging malulungkotin na si mama at si papa kahit ako pero ang mas naapiktuhan ay si alpha dahil sa pagkawala ng mate niya pati buong pack naging malungkot nawalan ng buhay dahil nawala na ang susunod na luna ang mahal kung kapatid.
" mahal tahan na alam mo namang ayaw kung nakikita kang malungkot diba pati ako nalulungkot din umiiyak nanaman si anna dahil nasasaktan ka at ang wolf mo "
Pag aalo nito sakin habang pinupunasan ang luha ko na diko napansin tumutulo na pala anna ang pangalan ng wolf niya akin naman ay allan.
Bumalik ang sigla ko ng makilala ko si athena ang mate ko dahil sa kanya naging masayahin ulit ako at naging malakas pero may mga araw parin na nalulungkot ako lalo pat nalalapit nanaman ang araw ng kaarawan niya at sa susunod na buwan na iyon.
" patawad mahal alam kung nangako ako sayo na di na ako magiging malungkot pero naalala ko nanaman siya "
" di talaga maiiwasan yun lalo pat kapatid mo siya kahit pa tumanda tayo alam ko di mo malilimutan ang sakit na yun kaya tahan na alam ko kung nandito ang kapatid mo di niya gugustuhin makita kang malungkot "
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito hahalikan ko na dapat siya ng bigla nalang naramdaman kung may kumakausap sakin gamit ang mindlink kaya agad kung itong pinapasok sa isip ko.
" Beta nico come to my office may pag uusapan tayo bilisan mo "tawag sakin ni alpha gamit ang isip namin.
" yes alpha "
Sagot ko dito tsaka pinutol na niya ang mindlink namin napailing nalang ako mukhang mainit nanaman ang ulo niya.
" mahal tawag ako ni alpha alis muna ako "
Paalam ko dito diko na inantay ang sagot nito at umalis na agad kumatok muna ako sa pinto ng opisina niya saka ako pumasok sa loob pag pasok ko nakita kung parang may inaamoy sa hangin si alpha yari na nakalimutan ko magbihis baka naamoy niya sakin ang amoy ni nancy.
Mag sasalita palang sana ako ng bigla nalang akong dambahan ni alpha sa kanyang anyong lobo kinakabahan ako dahil kita ko ang kulay pula niyang mata habang kahit sabihin pa na may kakaibang lakas akong taglay may takot parin ako dito inaamoy amoy niya ako.
Inihanda ko na ang kamay ko para salagin ang ataki niya ng bigla nalang ng laki ang mata ko sa salitang binitawan niya.
" MATE !!!! MINE. MINE. MATE!!!! "
BINABASA MO ANG
The Lost Alpha's Mate
WerewolfWolf series #1 Ang nais lang ni nancy ay mahanap ang bahay ng kaibigan ng tatay niya na nag alok ng trabaho sakanya. Kaya lumuwas siya ng maynila pauwi ng samar dahil andun daw ito nagtatrabaho sa isang kilalang angkan. Ang hindi niya alam ay planad...