Chapter 11 = Alpha's Meeting part 2=

20 1 0
                                    

tumikhim si jack para matigil na ang pagbabatuhan ng popcorn ng mga kasamahan niyang alpha.

natigil naman ang mga ito sa pag bato kay brian kahit papano kasi may takot parin naman ang mga ito sa kanya dahil maliban kay king Daryl ay pumapangalawa siya sa pinaka malakas na lobo sa buong mundo.

" kagaya nga ng sabi ko gusto ko na matapos na ang paghahangad ng mga elders sa trono ng magiging luna ko dahil nandito na ang mate ko kaya naisip kung gawin ang koronasyon tatlong araw mula ngayon gusto ko kasing isabay sa pagdilaw ng buwan ang celebrasyon "

" at kailangan nating makapag plano ng maayos dahil sigurado akong may binabalak silang di maganda sa mate ko "

seryoso ang mga matang nakatingin siya sa mga kasama.

oo mga isip bata at loko loko kung minsan ang mga ito pero alam niya sa lahat ng oras ay handang tumulong ang mga ito para sa kanila dahil mula pagka bata ay nangako silang lahat sa harap ni moon goddess na magtutulungat kahit buhay pa nila ang kapalit dito.

" kagaya nga ng tanong ko kanina sino ang punterya nila ngayon dahil basi sa naaalala ko ilang taon na silang di nag paparamdam kaya nakapagtataka na lumabas sila ngayon "

tumingin siya kay brian ng seryoso tsaka ito sinagot.

" walang iba kundi ang mate ko "

halata ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

" paanong ang luna mo alam naman nating lahat na tao siya ano ang dapat nilang ikatakot dito "

ngayon lang niya naalala na maliban sa magulang at sa iba pang nakalapit kay nancy ay wala ng nakakaalam na may lobo  ito.

" hindi bastang tao lang si nancy dahil may lobo siya kung iisipin taong lobo siya pero may kung ano sa bracelate na suot nito na tila pinuprotektahan siya na may makaalam sa pagkatao nito "

" kung ganun baka half witch siya alam naman nating lahat tanging mga witch lang ang may kakayahang itago ang pagiging lobo ng isang tao "

" tama si zeki baka nga half witch siya pero alpha jack natanong mo na ba sa kanya kung sino talaga siya kung saan siya nag mula at kung alam ba niyang taong lobo siya dahil sigurado akong nakakausap niya ang lobo niya "

The Lost Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon