The Beginning

18 0 0
                                    

Masakit ang ulo ko kinabukasan. Hindi ulit ako nakatulog. Napansin kong lately ay napapadalas ang hindi ko pagtulog.

Kinapa ko ang cellphone ko sa night table. 7am na.

Nandito nga pala yung apat. Puntahan ko nalang sila pagkatapos kong mag-ayos.

Nagulat ako nang paglabas ko ng banyo ay nasa loob na ng cabin ko ang apat na magagaling ba lalaki.

"Ohayou!"

"Yo!"

At syempre pa,yung dalawang may pms lage. Ayun tumango lang sila.

Humalukipkip ako sa harap nilang apat.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Susunduin ka namin. Tara na ngang umuwi." Sagot ni Lance.

"Ayoko nga. Ang ganda-ganda kaya dito." Tinalikuran ko sila para abutin ang telepono at umorder na rin ng breakfast.

Nakatanga lang sakin yung apat habang umuorder ako.

"Bakit pagkain mo lang ang inorder mo?" Tanong naman ni Marco.

"At bakit ko naman kayo isasali aber?"

"Tsss." Sabi naman  nung mamang laging may props na libro.

"Damn! Just in case anybody  remember to let me in on the conversation,I'm just right here." Nakasimangot namang turan nang mamang laging nakasimangot.

Nakalimutan kong hindi pala nakakaintindi ng tagalog ang isang yun.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagulat kaming lahat nang may kumatok sa pinto. Ang bilis naman yata ng room service.

Lumakad si Marco palapit sa pinto habang nagkatinginan naman kaming tatlo. Hindi kasali si Forest,ano pa nga ba? Haay.

"May bisita ka." Seryosong saad ni Marco. Kasunod niya ang taong dahilan kung bakit ako puyat.

"Good morning." Bati nito sakin.

Naramdaman kong napaigtad din sa puwesto niya si River. Hmmm.

"Walang good sa morning." Matabang kong sagot sakanya.

"Ahermm. Nagdala ako ng breakfast." Pinakita niya ang hawak niyang mga plastic na may tatak ng isang sikat na food chain.

Tinignan ko ang reaksyon nung apat. Si Lance at Marco parang naweweirduhan sa nangyayari. Si River naman ay nakasimangot at masama ang tingin kay Drake. Maski si Forest ay nag-angat ng mukha para tignan ang bagong dating.

Inilapag ni Drake ang nga dala niya sa round table sa harap ng tv.

"Who are you?"

Lahat kami ay nagulat sa tanong ni Forest. Tinignan ko siya pero hindi niya inangat ang mukha niya mula sa pagbabasa.

"You are the one tailing us last night,right?" Diretsong tanong nito.

"Yeah. I'm Drake Jackson."

Napasipol si Forest sa narinig niya. Ibinaba niya ang librong hawak niya at diretsong tumingin kay Drake.

"So you brought foods?"

Nyay! Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Forest. Langya!

"Ah yeah. Here. Help yourself."

Haay! Buhay nga naman. Kung umasta tong Drake na 'to aakalain mong hindi niya alam kung bakit nasa Pilipinas ang ECO.

Hindi ba siya natatakot?

"Ipakilala mo naman siya amin Princess." Sabi sakin ni Lance.

"Oo nga naman honeybunch."

Sira-ulo din talaga tong dalawang 'to.

"Narinig niyo na di ba? Siya si Drake Jackson. Tatay niya ang founder ng Croix at in case all of you forgotten,isa siya sa mga target ko. Satisfied?"

"So ka!" Sabay na sabi nang dalawa. (I see)

Malungkot akong tinignan ni Drake.

"Sinabi ko na diba,hindi-"

"Shut it!" Malamig kong putol sa sasabihin ni Drake.

Kinuha ko ang mobile ko.

"Sa restaurant na ako kakain." Yun lang at tinalikuran ko na sila.

Lumabas ako ng cabing inuukupa ko. Bahala sila dun. Bahala na rin sila kung anong gusto nilang gawin dun sa Drake na yun.

Habang nginunguya ko ang toast ko ay naramdaman ko ang presensya ni River sa likod ko.

Hindi ko nalang ito pinansin at itinuloy ang pagkain.

"Why did you walk-out on us yesterday?"

Nagkibit lang ako ng balikat.

"Did you talk to that man already?"

Tumango ako. Hehe. Payback time. Para naman malaman niya ang pakiramdam nang may kausap na pipi. Hmmm.

"I see." At tumingin siya sa ibaba kung nasaan ang swimming pool ng resort.

"That guy followed you here to convince you to stop what you are doing right?"

"I haven't done anything yet."

"Yeah. But your presence makes them uncomfortable."

Tama si River. Pero tama nga ba ang ginagawa ko? May ibinigay siyang kapirasong papel sakin.

Address ang nakasulat.

"Be there tomorrow evening."

"Why?"

"Some answers to your questions might be there."

"Arigatou River-kun."

And I was rewarded with a smile. His second smile since I've met him four years ago.  Once was the night we both go to Jackson's bar and now.

And I feel some kind of assurance that everything would be alright...

A/N:

Complete grammar naman pag sinusulat pero pag napublish na kulang-kulang na siya ng words. Ganun siguro talaga si wattpad ano po?

Action po ulit tayo next chapter. Sabaw kasi yung kakaunting action sa Old Enemy. Pagpasensyahan niyo na po.

Oyasumi minna! Ja ne!

The Elements: Avenging BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon