Lost and Confused

7 0 0
                                    

"Yosh! Okay na siguro dito. Siguro naman hindi na ako masusundan ng mga ungas na yun."

I park my bike sa parking lot ng isang resort. I might like it here and decide to stay here until Sunday tutal naman friday na rin bukas. 

'Hmm oo nga. Para naman makapag-isip ako ng plano at para narin makalayo ako sa mga ungas sa bahay. Lalo na yung River na yun! Fiancee my ass! Kapal niya huh.'

Kinuha ko ang apat na dagger na nakalagay sa compartment ng motor ko. Mabuti na ang sigurado. Hindi gaya kanina na wala man lang akong panlaban. Buti nalang resourceful akong tao. Hehe. Kinuha ko na rin ang mobile ko. Baka tumawag sila Onii-chan.

Come to think of it,di pa sila natawag.

"Makahiga na nga. Kanina pa dapat ako sa dreamland kung di lang obsessed yung ungas na Mercadong yun."

I suddenly get up nang may marinig akong katok sa pinto. I checked my mobile and there's two missed call.

Alas-onse na rin ng gabi. Ibig sabihin mahigit isang oras pa lang akong nakakatulog.

Grrr.

"Uh-oh. Not again."

I grab two daggers. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto.

Palakas ng palakas ang pagkatok at parang nagmamadali.

Tumalon ako patalikod kasabay ng pagbukas ko ng pinto. I kept my  distance in case intruders and nasa kabilang panig ng pinto.

"What do you- You?!" Gulat na tanong ko sa taong nasa labas.

"Hello."

"What the hell do you want Drake Jackson?"

"Di ba sabi ko kanina may sasabihin ako sayo."

"And? At paano mo naman nalaman na nandito ako aber?"

"Sinundan ko yung mga bodyguards mo." Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng cabin.

Aba matindi! Feeling at home ang loko! Paslangin ko to eh.

"Bodyguards?" Tanong ko.

"Yeah,yung fiancee-fianceehan mo at ibang Elements."

"What? Nandito sila."

"Yeah. They checked-in sa kabilang cabin. Apat sila lahat."

Bakit nga ba hindi ko naisip yun. SOP sa mga miyembro ng elements ang magkaroon ng tracking device sa mga mobile nila or sa kahit anong gamit na dala nila sa mga missions.

So andito yung apat na kumag.

"They checked-in thirty minutes ago. Ngayon lang ako pumasok sa resort kasi baka paulanan nila ako ng bala pag nalaman nilang sinundan ko sila."

"And what makes you think na hindi ko gagawin yun?"

Nagkibit lang siya ng balikat. Loko talaga 'to. Pero imposibleng hindi alam nung apat na nandito tong isang 'to ngayon. Yung mga yun pa.

I glance at the man sitting in the bed. Kung umasta siya parang hindi niya alam na target ko ang family niya.

"So,ano yung sasabihin mo? Make sure maganda yan kung hindi ay itatarak ko tong dalawang dagger na hawak ko sa ulo mo."

Pinakita ko sakanya ang hawak kong daggers.

Nagmake-face lang ang walang-hiya.

"Ano na?!" Untag ko sakanya.

Biglang sumeryoso ang mukha niya sabay upo ng maayos. Humalukipkip lang ako.

"What makes you so sure my family killed your parents?"

Nagulat ako sa tanong niya. Biglang nag-init yung ulo ko. I calmed myself bago ko pa maisipang ihagis sa kanya ang daggers ko.

"Damn you Jackson! Wala kang karapatang itanong sa akin ang bagay na yan!" Sigaw ko sakanya.

"And why is that?" Kalmado niyang tanong sakin. "Is it because of the business conflict our parents undergone decades ago kaya mo pinagdududahan ang pamilya ko?"

"What business conflict?! Damn you Jackson! Wag na wag kang magkakamaling gumawa ng kuwento!" Babala ko sakanya.

Bumuntong-hininga siya. Hindi ko siya maintindihan. Anong business conflict? Base on my research, nasa finance at building companies ang linya ng trabaho nila. While my parents business is in hotel industry.

"You don't know a thing then. That's why I wanna tell you that your revenge against us is pointless."

"Pointless? You just said they had a conflict regarding business and is it enough para ipapatay ng magulang mo ang mga magulang ko?!" Konti na lang at alam kong sasabog na ako.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Get out! Bago ko makalimutang hindi ako pumapatay ng walang laban sakin. Get out!"

Tinalikuran ko siya. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Tumayo na rin siya pero napaigtad ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Listen to me Fierra. Don't do anything you will regret later on. Kung mapapatunayan mong Jacksons ang nagpapatay sa mga magulang mo,I am willing to help you in any way possible para maipaghiganti sila kahit pa ubusin mo kaming lahat."

Hindi ako gumalaw. I just listen to his words.

"The Croix is not responsible for your parents death at tutulungan kitang hanapin ang mga taong responsable sa pagkamatay ng mga magulang mo."

"What makes you think  na tatanggapin ko ang tulong mo?"Malamig na tugon ko sakanya.
"I am not asking your permission. I will do it for my family's sake and for you too." Aaminin kong nagulat ako sa pahayag niya. Kung tutuusin ay ikatlong beses ko palang nakakaharap ang taong ito pero kung umasta ay parang matagal na kaming magkakilala.

I heard his footsteps leading to the door.

"Tattoo. I saw The Croix tattoo. The night those men killed my parents."

Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Things doesn't always be the way they seem to be. And I'll prove that. Good night Fierra." And the door closes.

Napaupo ako sa kama. Mas lalong nadagdagan ang mga tanong na nasa isipan ko. Business conflicts? What does he mean?

Mas lalo na pang nakagulo sa isipan ko ang mga files na nakalap ko regarding the Jacksons. It is true they are associated in underground works but I can't seem to find a single evidence that they had killed my parents. Aside from the tattoo. Am I one of the fools who seek  vengeance based only on a single evidence?

Kaya ba wala akong mahanap na ebidensya ay dahil hindi sila ang nagpapatay sa mga magulang ko.

My gut feeling tells me that the answer to my questions lies in the usb that's hanging from the chain in my neck.


The Elements: Avenging BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon