Unveiled Curtain Part 1

15 0 0
                                    

I am ready.

Sa isip-isip ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Wala akong ideya sa bagay na madadatnan ko sa paroroonan ko pero kampante ako dahil kasama ko si River.

"Let's go,we'll be late if you stare in front of your mirror all night." Tawag sa akin ni River. 

Bago ako lumabas ay muli kong pinasadahan ng tingin ng itsura ko. I am wearing my all-time favorite white tank top and black leather jacket at leather short na tinernuhan ko ng itim na boots. I look like a gangster.

Nang ibigay sa akin ni River and address ay inakala kong isang party ang pupuntahan namin dahil nakasulat doon ang pangalan ng isang five-star hotel. Pero nagulat ako nang sabihin niyang isuot ko ang combat outfit ko.

Hmmm. Mukhang napapadalas ang adventure ko ah. 

Nadatnan kong isinisiksik ni River ang isang double edge boomerang sa may boots nito pagbaba ko ng hagdan. Para lang siyang ordinaryong metal pag titignan pero pag pinindot mo ang butoon sa gitna ay lalabas ang blades nito sa magkabilang dulo.

"You are not bringing guns?" Manghang tanong ko. Ngayon lang yata siya gagamit ng bladed weapons.

"Nah. Only blades are allowed." Tumayo na siya at inayos ang suot niya. Naka puting t-shirt rin siya at itim na jacket na itinerno niya sa itim niyang pants. Naka combat boots siya. hindi ko maintindihan ang mga miyembro ng ECO. Mga mahilig sa combat boots eh parang ang bigat ilakad nang mga yun.

"Okay,I'll bring my kunais and dagger then."

"Why don't you bring your katana? Or ninjato? Daggers are outdated."

"And so are the katana's and ninjato's." sagot ko naman sa kanya.

Ang epal talaga nito minsan. Eh sa gusto ko ngang dalhin yung dagger ko na bigay ng kuya ko eh.

Pagdating namin sa parking lot ng hotel ay kinausap ni River ang guwardiya na nasa may pintuan ng animo'y fire exit. Tiniganan niya kaming dalawa at iginiya kami papasok sa loob kung saan may elevator na naghihintay sa amin. Pinindot niyya ang button ng penthouse. 

Habang umaakyat ang elevator ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Natatakot ako sa anumang bagay na malalaman ko sa itaas. 

Isa pang tanong ay kung bakit parang familiar si River sa lugar. Kinausap niya lang ang guwardiya at pagkatapos ay pinatuloy na kami. Nagpunta na kaya siya dito? Pero kelan naman? 

Nang marating namin nag destinasyon namin ay agad lumabas si River. May dinaanan kaming pasilyo sa kaliwa at saka pumasok sa pinakahuling kuwarto.

"I knew it! Gang fights huh? I didn't know you have this kind of affiliation River."

"Shhh. Of course I don't,silly. It just so happen that the owner of this invited me personally." Iginiya niya ang mata niya na para bang may hinahanap, nang makita niya ay hinahanap niya ay hinila niya ang kamay ko at iginiya patungo sa bar stool sa harap ng bar. 

I searched the room. In the middle of it,there is a platform, a wide one. Wala siyang anumang tali like the ring on a boxing match kung hindi purong platform na may tatlong baitang kataas.

Nakapalibot dito ang bleachers kung saan halos okupado ang bawat upuan. Parang arena ang tema ng kuwarto. On the opposite of the bar, there stood a stage kung saan may pitong upuan na nasa harapan.

Sobrang daming tao. Iginala ko ang mga mata ko at tinignan ang mga taong nakaupo. Mukhang gangster ang lahat ng nandito, may ilang grupo na halos lahat ng miyembro ay nasa edad 15-18 ang mga edad,at may mga grupo naman na mukhang beterano na sa mundo ng gangsters.

"Blaze,this is Isaac Bodes. Isaac this is Blaze." Napalingon ako kay River at sa lalaking nasa harapan niya. Ngumiti sa akin ang lalaki pero nasa mga mata pa rin nito ang otoridad. Inabot niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Nice to meet you Blaze." He looked at me na para bang pilit niyang binabasa ang laman ng utak ko sa pamamagitan ng matiim niyang pagtitig sa mga mata ko.

I keep my expression passive. There's something in his eyes. Recognition? I am not sure. Hindi ko siya sinagot bagkos ay nakipagsukatan ako ng titig sa kanya.

Nabigla ako nang biglang humagalpak ng tawa si Isaac. Hala! Baliw!

"If I were him, I will think twice before thinking on doing you in."

"What? Who?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Sino namang nagbabalak patayin ako. Jacksons? Eh di ba ako ang may balak patayin sila? Hmmm.

Bago sumagot si Isaac ay nagsalita ang emcee. Nagbigay ng ilang walang kabuluhang salita at saka sunod na tinawag ang 7Aces. 7 Aces? Hmmm. 

Habang isa-isang lumalabas ang mga miyembro ng 7 Aces na napag alaman kong may-ari at nagpapatakbo gangster fight hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Nalaman ko ring ang 7 Aces ang siyang gumagawa ng paraan para hindi mag clash ang mga gangsters sa buong mundo. Tinitingala sila ng bawat gangster at nirerespeto.

Nang lumabas ang huling miyembro ng 7 Aces ay napahawak ako sa kamay ni River.

"Mommy?"

A/N:

Good vibes ako kaya may update. Marami pang pasabog sa Part 2. Abangan niyo po. Try ko mag update soon. 

The Elements: Avenging BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon