Chapter 26
Alexandra’s POV
Umupo muna ako sa may likuran kung saan may upuan pa para panuorin ang play nila Sasha. Magisa lang akong bumili ng popcorn at bumalik dito.
Nakapagpalit na ko ng skirt at plain shirt tapos sandals lang.
“Psh. Nakakainis” Bulong ko habang ngumunguya.
Naiirita ako tuwing naaalala ko na nagkiss ulit kami ni Nathan.
ARGH!
Habang pinapanuod sila Sasha at Ryan na maging sweet sa isa’t-isa ay tumayo ako at naglakad palabas.
Dala-dala ko ang bag ko at ang popcorn na binili ko.
Mas lalo ko lang kasi naiisip yung nangyari kanina tuwing nakikita ko ang stage.
“Kadiri! Kadiri! Kadiri!” Halos sumigaw ako kahit may mga nakakasalubong akong mga estudyante.
“Look at her”
“Crazy gal. Ano kayang nakita ni Nate diyan?”
“Yah, nakita mo yung pic na pinost sa website?”
“Magkaholding hands backstage!”
“So landi kasi niyan ni alex”
“True akala mo maganda”
“Di naman marunong umakting”
Kada kain ko ay naghahagis din ako ng popcorn sa daan.
Minsan ay hinahagis ko din dun sa mga babaeng nagpaparinig sa akin na feeler daw ako porket partner ako ni Nathan. SA INYO NA PINAKAMAMAHAL NIYONG NATE! LAKLAKIN NIYO PA!
“Aray! Ano ba!”
“You make alis alis nga!”
“Why are you nagkakalat ba?”
“Aish tara na nga girls!”
Ang aarte nitong mga ipis na ito!
ARAY KA DIYAN, POPCORN LANG YAN UY!
Napakasensitive ng skin!
Mukha namang balat.
BINABASA MO ANG
Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)
Teen FictionMeet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she never met. She never gave attention on it hanggang sa nakilala niya si Nathan na kamukhang-kamuka talaga...