At dahil pabago bago yung isip ko, isa pang chapter bago epilogue HAHAHAHAHA
---------------------------------------------------------
Chapter 55
Alexandra's POV
Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng naoperahan si Nathan.
Hindi pa masyadong magaling si Nathan but he's doing fine.
He's still recovering at masaya naman ako dahil wala namang naging complication si Nate.
Naghomeschooled na siya para makahabol sa amin. Syempre, hindi ako papayag na hindi namin siya kasabay gumraduate ng highschool. Next week, final examination na namin. Medyo naha-hassle kaming lahat sa pagaaral pero tingin ko naman, kaya ng buong barkada yun.
Saturday ngayon at kakaalis ko lang ng bahay.
Ang paalam ko kila Mama ay didiretso ako kila Nathan pero ang totoo ay may iba akong pinuntahan.
"I'm happy you visited her, iha" Nakangiting sabi niya.
"Wala po yun" Sagot ko.
"Ka-classmate mo ba ang apo ko?"
"Schoolmate po"
Habang naglalakad kami papunta sa taas ay bigla na lang siya tumigil sa paglalakad.
"Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sayo. Eh wala kasing kahit ni-isang kaibigan o kamaganak niya ang tumawag at nangamusta sa kanya. Nagwo-worry ako dahil gabi-gabi na lang naiyak ang batang yan"
Hindi ako nakaimik. Naghalf smile na lang ako at itinuro niya na sa akin ang pintuan nito.
Iniwan na niya ako bago pa man din ako makapasok sa loob.
I took a deep breath.
Good luck to me.
Pagpasok ko ay medyo nagulat ako.
Sobrang dilim ng kwarto at tanging ilaw lang sa lampshade ang nakabukas.
Nakita ko agad siya na nakaupo sa kama niya.
"Hi Camille" I greeted her.
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata.
"Bakit andito ka?"
"Gusto lang kitang kamustahin..."
"TALAGA?" Sigaw niya. "Oh baka naman gusto mong ipamukha sa akin na sirang-sira na ang buhay ko?!"
I flinched at her sudden outrage.
Two months ago, nung sinubukan niya akong patayin, siya ang napuruhan sa ginawa niya.
Nagkaroon siya ng spinal cord injury kaya naman naging lumpo siya.
Hindi na niya magalaw ang lower body niya. Hindi na siya nakakapaglakad...
Nalaman ko ring tinakwil siya ng pamilya niya dahil umamin siyang pinalaglag niya ang anak niya noon. Kaya dito na siya nakatira sa lola niya. Ang lola niya lang sa mother's side ang tumanggap sa kanya.
Sinarado ko ang pintuan at binuksan ang ilaw sa gilid.
Napapikit siya saglit dahil nasilaw siya pero umirap din kaagad sa akin.
"Walang ganun, Camille. Gusto lang talaga kitang kausapin"
"Para saan, Alex? Inaano ba kita? Nananahimik na nga ako di'ba?"
BINABASA MO ANG
Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)
Novela JuvenilMeet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she never met. She never gave attention on it hanggang sa nakilala niya si Nathan na kamukhang-kamuka talaga...