Chapter 30

89.8K 2.4K 1K
                                    

Chapter 30

Alexandra’s POV

“Saan ka nanggaling?” Tanong kaagad ni Sasha pagkaupo ko sa tabi niya.

Napatagal kasi ako sa comfort room, kakaisip sa mga sinabi ni Nate.

“Hmm?” I cleared my throat.

“Sabi ko, saan ka nanggaling sis?”

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Nathan.

He looked at me for a moment bago niya itinuon ang atensyon niya sa cellphone niya.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa bestfriend ko.

Should I lie?

Or should I tell her that my crush just told me he’ll stay away from me?

Dapat din bang sabihin ko sa kanya na may mga sinabi si Nathan na mga bagay na nakakapagpa-confuse sa akin ngayon?

I chose the former.

“Sumakit kasi yung tiyan ko” I lied.

Tumawa bigla ng malakas si Sean at Ryan kaya naman napatingin halos lahat ng mga tao dito sa canteen.

Kung makaasta sila ay para bang kami-kami lamang ang magkakasama.

Sean: “Kaya pala amoy inodoro”

Ryan: “Success ba Alex? HAHAHA”

Nagtawanan silang lahat pati na rin si Mich at Gab.

Ako naman ngumiti lang.

Mas okay na yung maisip nilang tumae ako kaysa malaman nila ang totoo.

Tinignan ko ulit si Nathan at napansin kong busy siya kakatext.

“Alex, di ka ba bibili ng lunch mo?” Tanong ni Christian.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

Nagugutom na rin naman ako, mamaya na yang kakaisip sa mga words ni Nathan.

Hindi naman ako mabubusog kung malalaman ko kung ano ba talaga yung dapat niyang sasabihin sa akin.

Nate’s POV

I clenched my jaw when I saw Christian and Alex leave.

Gusto kong upakan ‘tong si Chris.

Dakilang epal kasi!

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon