Chapter 31 - part 1
Alexandra’s POV
“Ano?”
Yan ang unang pumasok sa utak ko.
It doesn’t make any sense.
Si Nathan Kyle Villanueva?
Ang pinakamayabang at bilib na bilib sa sarili na kakilala ko?
Magugustuhan ako?
Tinignan lang ako ni Nate na para bang nagtataka siya sa sinabi ko.
“Seryoso ka?” Tanong ko ulit.
Ayokong maniwala sa sinabi niya.
Baka mamaya pinagtitripan lang ako nito.
“Kaya nga for real di’ba? Di sana sinabi ko for fake kung nagbibiro lang ako. Psh. Utak monggo ka talaga”
Umayos na siya ng upo tapos nagearphones.
Sa buong klase ni ma’am, hindi na niya ko ulit kinausap.
Ako naman, gulong-gulo na ko.
Di ko alam kung ano dapat ang ire-react ko.
Kasi hindi naman ako sure kung parehas kami ng nararamdaman sa isa’t-isa.
Oo, minsan mabait si Nate kaya nga nagbabago yung pakikitungo ko sa kanya but that doesn’t mean I like him already.
Sure ako na mas gusto ko pa rin si Tristan kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya kaninang umaga.
Nathan’s POV
Ang awkward sa paligid namin ni Alex.
Lintek kasi tong babaeng ito.
Hindi naman kasi ako sanay sa ganito!
Usually mga babae ang nagsasabing gusto nila ako!
(-_-)
Dapat kasi siya ang unang nagsabing gusto niya ko.
Nahihiya tuloy akong kulitin siya.
ABA! MALAY KO BA, BAKA MAMAYA MATURN-OFF SAKIN TOH!
Di pa man din ako totoong nanliligaw, busted agad?
Tss. Di ako papayag na may ganun sa history ng love life ko ah!
BINABASA MO ANG
Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)
Teen FictionMeet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she never met. She never gave attention on it hanggang sa nakilala niya si Nathan na kamukhang-kamuka talaga...