Chapter 43

79.2K 2.4K 949
                                    

Chapter 43



Alexandra's POV



"Kakagaling mo lang sa airport?" Gulat na tanong ko kay Nathan habang pinapatong yung niluto kong spaghetti sa table.



Hinawakan niya ang kamay ko at hinila upang umupo sa tabi niya.

Natameme naman ako nung tahimik niyang pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ng panyo niya.



Maalaga pala siya...

O baka naman dahil nasa mood lang siya.


Sus. Mamaya ibubully na naman niya ko, for sure.



"I went straight to VSU when Ryan told me that you weren't at your house. Buti tinext ko siya dahil hindi ko alam na ngayon pala yung Halloween party niyo. Gusto kasi talaga kita makita kaagad at makausap. Syempre at first, naghesitate ako kasi baka magulat ka at baka hindi ko magustuhan ang magiging reaction mo pero ayoko kasing naghihintay lalo na at alam kong may problema tayo. Problemang tumagal ng apat na buwan..."



"It must have been so hard for you. Sorry talaga nate—"


"Tsk, nakabawi ka na naman babe. Ang mahalaga, akin ka na"



He smirked but I frowned at him.


"Babe na naman?"


"HAHAHAHA so ito nga, pumunta agad ako sa VSU. Actually yung maleta ko nandiyan pa sa likod ng kotse—"


"BABE?"



Aba! Babaguhin niya pa talaga agad yung topic!



"Talaga bang gagawin mong issue yung pagtawag ko sayo ng babe? Ang haba kasi ng strawberry bunch eh" Tatawa-tawang sabi niya.



"Oh di wag na tayong gumamit ng endearment. Sino ba kasing nagpasimuno niyan? Ako ba?" Annoyed na sabi ko sabay kain ng spaghetti.



Ang cute kaya ng tawagan namin.

Ang unique pa.



Hindi naman sa pagiging mababaw pero namiss ko talaga yung pagtawag niya sakin ng strawberry bunch. Siya mismo, namiss ko.




Kaya nga kahit gustong-gusto ko siyang yakapin magdamag ay pinipigilan ko sarili ko.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon