Chapter 51

64.4K 2.2K 1.4K
                                    

Another loads of secrets mari-reveal, now na! HAHAHAHA.

Enjoy reading :)

---------------------------------------------------

Chapter 51

Alexandra's POV

Ginamit ni Nathan ang pagiging Villanueva niya kung kaya't napadali ang paghahanap namin sa matandang babae na lumapit sa akin kagabi.

Wala pang isang oras ay mayroon na kaming address na hawak.

"Anong sabi ni Mama?" Tanong ko kay Nate paglapit niya sa akin.

Kausap niya kasi sa telepono si Mama at ipinagpapaalam niya ko dahil baka gagabihin kami sa paguwi.

"Eh di ano pa ba? Malamang papayag yon. Botong-boto kaya sakin si Tita" Ngingiti-ngiting sagot niya. "Pwede nga kitang buntisin ngayon eh. Tignan mo, matutuwa pa mama mo"

I gave him my disgusted look and he burst out laughing.

"Tara na nga, inaatake ka na naman ng pagiging manyak mo"

"Utak monggo ka talaga, Alex. Paalala ko lang sayo, dalawa na anak natin. Wag kang umasta na parang nililigawan pa lang kita"

"Kay-payn watebor"

Sumakay na ko sa kotse at iniwan siya sa labas na tawa ng tawa.

Para talagang timang yun.

Minsan nagsisisi talaga ako na sinagot ko si Nathan eh.

HAHAHAHA.

"Saan nga pala yung bahay ni Lola Julia?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya.

"Sa Laguna"

Tumahimik ako saglit.

"Nate...hindi ka ba natatakot?"

"Sa mukha mo? Hala alex, matagal na"

I rolled my eyes at him.

Kailan ko ba makakausap ng matino ito?

Pag umiiyak lang yata ako nagseseryoso ang hinayupak na to eh.

"Hindi nga nate. Di'ba parang ang creepy na kamukha natin yung dating mga kaibigan niya?"

"OHMYGHAD ALEX!"

"Oh bakit?!"

"Nanunuod ka bang vampire diaries? Baka katulad tayo ni Elena. Baka doppelganger natin sila"

(-___-)

"Naniniwala ka talaga dun? Nate, seryoso naman kasi yung usapan eh!"

"Seryoso din naman ako strawberry bunch"

"So you mean, ikaw ang evil twin ni Daniel? Ganun?"

"Pakyu ka kahit mahal na mahal kita. Ako pa talaga yung demonyo? Malamang siya yung evil samin. Bait bait ko kaya"

"At saan banda yung mabait? Namamakyu ka nga oh! Bad ka! Bad!"

"Mabait ako. Kung masama ako, eh di sana itinigil ko yung kotse dito sa highway tapos in-eject kita. Oh! Baka ikaw ang evil twin ni Kathryn. Ah tama! Ikaw nga. Mukha mo pa lang, pasok na sa requirements hehe"

(-________-)

"Leche ka! Hindi pwedeng maging doppelganger kasi mukha naman hindi masama ugali ni Daniel at Kathryn"

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon