Chapter 29

100K 2.3K 840
                                    

Sobrang nakakatuwa! Napakadami niyong hinala kung sino ba si girl na dinadalaw ni Nate at kung sino ba si guy na muntik na maging first kiss ni Alex! Ang ganda ng feedbacks! Mababaliw siguro kayo pag nalaman niyo na yung mga sagot sa mga tanong niyo haha. 

-------------------------------------------------

Chapter 29

 

Alexandra’s POV

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip kung ano ba talaga yung lugar na yun.

Bakit napaka-familiar niya?

Parang dejavu lang yung nangyari kahapon…

“Look at her”

“Why is she even making sulat of notes pa? ha?”

“Yah! Ang fake ah!”

“Kahit naman hindi siya magaral, she knows she’ll pass naman”

“Oo nga, boyfriend mo ba naman ang anak ng owner ng school eh!”

“I really envy that ugly girl”

“She’s so swerte! Like omg!”

I rolled my eyes and continued copying our notes.

Parang timang tong mga conyo kong classmates.

Ano ba kasing swerte ang mapapala pag napadikit ka dito sa mokong na ito?

Tignan mo nga!

Hindi nagseseryoso sa pagaaral!

Sinilip ko yung notebook niya.

Stick man na babae yung dino-drawing niya.

Tapos bigla niyang sinulatan ng arrow paangat mula sa ulo nung babae.

Then nilagyan niya ng…

‘Alex mukhang unggoy’

(-_-)

He looked at me and smiled.

Sinakal ko na lang siya sa utak ko.

Joke. HAHAHAHA.

Tinapos ko na yung pagkopya ko sa notes ko kahit na itong si Sasha daldal ng daldal at kwento ng kwento about sa mga nangyayari sa kanila ni Ryan.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon