Chapter 49

60.1K 2.1K 368
                                    

Chapter 49

Alexandra's POV


"I just don't understand kung bakit ayaw mong makausap ko yung matanda?!" Talagang pinagtaasan ko na ng boses si Nathan ng dahil sa galit ko.


"Sinaktan ka na nga nung matanda----"

"Oh cut the crap out! She's just an old woman! Hindi niya ko mapapatay! Wag ka ngang OA!"

"Wag mo ngang sigawan ang kuya Nathan ko!" Pagsingit ni Aubrey sa usapan.

Nasa loob kami ng sasakyan at muntikan ko ng makalimutang nandoon pala siya nakaupo sa likod.


"Wag kang mangielam dito!" Sigaw ko pabalik.

"Alex, wag mo ngang pagtaasan ng boses si Bree!" Pagkakampi pa ni Nathan sa bata.

"Ibaba mo ko" Pagalit na sabi ko.

"Ano?!"

"ITIGIL MO ANG SASAKYAN O TATALON AKO DITO!"


He immediately stopped the car and I stormed out as soon as I can.

"Get back in the car, Alex!" Rinig kong sigaw niya.

"I'd rather hurt my feet from walking than spend another minute with you!" I shouted without even looking at him.


Naglakad agad ako palayo sa kanila.

"Bree, dito ka lang" Rinig kong sabi ni Nathan.

"Alex naman!" Sigaw niya. Maya-maya ay nahila na niya ang kamay ko. "Pagaawayan pa ba talaga natin si Aubrey? She's just a kid!"


"FYI, this isn't about her! This is about you! Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi mo ko hinayaang kausapin yung matanda!"

"Bakit ba kasi kating-kati kang malaman kung sino siya?"

"Hindi mo ba siya narinig? She knows who Daniel and Kathryn are! Di ka ba nagtataka? Bakit kilala niya yung mga nasa panaginip ko?"

"Maybe it's just a coincidence! Please naman alex, pati ba naman ganitong mga bagay pagtatalunan pa natin?"

"Can you even hear yourself? Nate, finally na-prove ko sa sarili kong hindi ako nababaliw at nagiimagine ng kung ano-ano. Something is really wrong and that woman is the only answer I have!"

"Oh di sige! Anong gusto mong gawin ko? Halika, sumakay ka sa kotse! Ibabalik kita sa mall, hanapin mo yang matandang yan!"


Hinawakan niya ang braso ko at pagalit ko namang itinabig ang kamay niya.

"Ewan ko sayo Nathan! Malamang wala na siya dun!"

"That's my point! Di ko magets kung bakit nagagalit ka pa rin sakin!"

"Kung hindi mo kasi ako hinarangan at hinila palayo, DI SANA NAKAUSAP KO SIYA!"


He groaned and covered his face with both his hands.

Parang nababaliw siya at pinipigilan ang sarili niyang magalit ng magalit sa akin.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon