𝐋𝐈𝐊𝐄
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa malaking bato na ito dahil naging abala ako sa kakapanood ng malaking buwan at ang mga bituing nakapaligid rito at ang paligid na wala ka ibang maririnig kundi ang agos ng dagat na naghahatid sa akin ng tahimik at komportableng pakiramdam.
Mas naging komportable ako at natuyo ang mga luhang namuo sa aking mga mata. Hindi ko alam na kaya palang pakalmahin ng tanawing nakikita ko ngayon sa sakit na naramdaman ko kanina.
Ngumiti ako sa sarili ko at bumuntong hininga. Alam ko sa sarili kong malakas ako pero nagiging mahina ako kung ang pagkatao kona ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung san lulugar at kung anong gagawin kaya imbes na iresolba ito ay lumalayo ako. I find comfort when i'm alone, mas nakakapag-isip ako ng maayos kung mag-isa lang ako dahil nagkakaroon ako ng oras para pakalmahin ang aking sarili at maging mahusay sa susunod na gagawin.
Wala akong kasalanan.
Narinig ko ang mga yapak na pumunta kung san ako naroroon pero hindi ako nag abala pang lingunin ito.
Tumigil ito sa paglalakad at umupo sa tabi ko.Sa amoy palang ay alam kona kung sino. Nilingon ko ito pero walang nagbago sa ekspresyon ko. I want him to see that i'm not hurt. Gusto kong makita niya na ayos lang at malakas akong babae at hindi nagiging mahina sa salita lamang.
Seryoso lang siya at agad naman akong umiwas ng tingin. Kahit gaano pako katapang na harapin siya ay di ko parin magawa. Para bang nagsisimula na naman akong manghina at maiyak. Ayoko sa ganoong titig. Para bang hindi mo maitatago ang sakit na nararamdaman mo ngayon."What a peaceful place"
Yumuko ako.
"Humihingi ako ng tawad sa mga sinabi ni Tita Amanda kanina"
Tumingin ako sakanya at ngumiti. Pero hindi ko parin maikakaila na masyado akong apektado sa sinabi niya.
"A-ayos lang....ta-tama naman si-siya"
Sa nanginginig na boses at pagpiyok sa panghuling sinabi ay nag-iwas na naman ako ng tingin.
Ipinikit ko ang mata ko at tinabunan ng kamay. I'm trying to be strong! I don't want him to see how vulnerable i am right now!
"Umalis kana rito! Ayokong may kasama!"
Hindi siya kumibo kaya napaangat ako ng tingin. Nagulat ako dahil nakatitig lang siya sa akin. Hindi ako nag-iwas ng tingin para makita niya na seryoso ako sa sinasabi ko. Wala siyang kasalanan at ayokong sakanya ko ibuntong lahat ng galit na nararamdaman ko. Nasaktan ako oo, pero galit din.
"I won't"
"Sabing umalis kana! Bumalik kana sa babae mo!"
Nagulat ako sa sinabi ko. Tinabunan ko ang mukha ko ng aking mga palad at ngumuso. Hindi ko alam kung bat nasabi ko anf baga na yun pero dahil masyado akong emosyonal ay dumagdag pa ang pait na nararamdaman ko sakanila ni Chloe.
Nilingon ko siya at may tinatagong ngiti. Nagkasalubong ang aking kilay. Inayos niya ang kanyang pagkaka upo at pinagtuunan ng pansin ang dagat.
Ang tanging ilaw na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon para masilayan ang maamo nitong mukha.
No! Dapat tigilan koto!
"I don't have girls.......Chloe is a friend of mine at hindi ako aalis"
I snorted.
"Oh really?! Ganun ang magkaibigan? Habang kumakain eh may konting landian sa hapagkainan?!"
Kumunot ang noo niya at hindi alam kung ano ang sinasabi ko. Sa sobra bang dami ng babae niya ay nakakalimutan na niya at wala na siyang pakialam sa simpleng haplos ng babae?!
"I don't know what you are talking about"
I rolled my eyes. Pero binatukan ang sarili dahil baka manghinala na siya sa asta ko. Nahihiya ako sa pinagsasabi dahil sa tono ko palang ay para akong nagseselos na girlfriend!
The thought of me as his girlfriend gives goosebumps. Ano ba tong pumapasok sa isip ko dahil kung ano ano nalang ang sinasabi ko. Napakalabong mangyari yun dahil sa laki ng agwat ng edad namin at ang katotohanang kapatid ang turing niya sa akin.
That's why he's here.
For the first time ako na ang magpapakumbaba sakanya. I should say sorry sa mga pinagsasabi ko. Nirerespeto ko dapat siya at di sinisigawan dahil hindi dapat siya tinatrato ng ganun.
"I'm sorry sa mga sinabi ko"
Natigilan siya at naging sersyoso ang pagtitig niya sa akin. Gusto kong malaman niya ang rason ko. Sa unang pagkakataon ay gagawin ko ang isang bagay na alam kong ikakahiya ko sa buong buhay pero gusto kong harapin ito at wag balewalain dahil pagkatapos nito ay magiging panatag ako at magagawa ko nang maka adjust.
"I'm just mad at you"
Pinantayan ko ang titig niya. Ngumiti ako pero makikita mo talaga ang tunay na ngiti sa hindi.
"I'm mad of you because.....you are too much for me"
Tumulo ang luha ko.
"Masyado mo a-akong naaapektuhan Xavier"
Nag-iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang magkaiba kong balikat at pinaharap sakanya.
"Am i making you uncomfortable?...Kaya kaba nagagalit sa akin?"
Umiling ako. Galit ako sa ibang paraan. Kailan man di ako nakaramdam ng takot sakanya dahil alam kong mas komportable ako sakanya. At diko itatangging nahulog nako sakanya.
"Hindi ako galit sayo!"
Muling bumuhos ang mga luha sa aking pisngi. Nagtapang tapangan at naging seryoso. Gusto kong malaman niya na kailan man di ako naging galit sakanya dahil sa presensya niya.
"I'm mad to you.... be-because"
Muli na naman akong nanghina sa paraan niya ng pagtitig.
"I'm mad to you beacause i really....really.....like you!"
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Galit ako sayo dahil nagiging mahina ako kapag ikaw na yung nasa tabi ko!"
"Galit ako sayo dahil sa simple mong pagtitig nablablanko ako!"
"Hindi ko alam kung bat nararamdaman koto nung una! Pero ngayon alam kona!"
"I'm starting to fall for you and that is what i am worried about!"
Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Tumayo narin si Xavier at tinulungan ako sa pagpunas ng mga luha ko.
"Let's go... Baka hinahanap na tayo"
Tinalikuran ko siya at naglakad. Sumunod siya sa akin at dina nagsalita. Nagulat ko ata siya dahil sa pag-amin ko ngayong gabi.
Alam kona kung bat ako nababahala... Dahil sa pag amin kong ito maaaring may pagbabagong mangyayari. Pero sa gabing ito, naging panatag ang loob ko dahil nagawa kong umamin sakanya ng harap harapan. I confessed to him because i want him to know that i must distance myself from him. Makakabuti narin ito para malaman niya na ang mga pinakita niya sa akin ay ang dahilan kung bat ako nahulog sakanya.
From now on dapat ilugar kona tong nararamdaman ko sakanya. Dahil ayokong dumating sa punto na kung saan hulog na hulog nako sakanya tsaka kolang maaalala na hindi nga pala kami para sa isa't isa.
-𝙹𝚊𝚗𝚞𝚊𝚛𝚢 6, 2021 𝚆𝚎𝚍𝚗𝚎𝚜𝚍𝚊𝚢
![](https://img.wattpad.com/cover/225934927-288-k265129.jpg)
BINABASA MO ANG
Strange Feelings
RomanceYsabela Florencia is a woman with a sad past. She never thought that a quite and a beautiful place can be the reason for her to change her thoughts about life. One of her goals in life is to get revenge from the family who makes her vulneralble bef...