𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1

31 10 0
                                    

1.

"Ysabela"

Unti unti kong dinidilat ang mga mata ko. Ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ang una kong pinagtuunan ng pansin. Ngumiti ako at dinama ang tamang init na nakaderekta sa balat ko.

"Ysabela?"

Naririnig ko ang mga yapak na nasisigurado kong si Mama. Umupo ito at ako naman ay nanatiling nakahiga sa kama . Marahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Ysabela baby bumangon kana........may pupuntahan pa tayo diba?"

Dahan dahan akong bumangon at hinalikan agad ang pisngi niya.

"Ma how many times do i need to tell you....... im not a baby anymore......i'm already eighteen!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "But you are still my baby"

Ngumuso ako at agad agad pumasok sa banyo.

Mama is always like that, she always treat me as a baby and i like that side of her. I pretend that i don't like it but deep inside i really love that endearment.

Hindi ko nakalimutang may lakad kami ngayon pero dahil siguro wala lang sa akin ang pupuntahan namin ay hindi kona nagawa pang paghandaan ng maayos.

It's a very long ride. Habang nasa byahe tinanong ko si Mama kung nasan na kami at nagulat nalang ako dahil hindi daw pa kami nakakahalahati.

Kung tutuusin pwede kaming mag eroplano o di kaya ay gamitin ang private plane namin pero dahil mga kabussiness share ni Mama ang mga kompanyang nadadaanan naming mga lugar ay mas pinili nalang niyang bumyahe kame gamit ang aming SUV.

Ilang beses ko pang sinubukang manood ng mga movies pero masyado nakong nahihilo. Sanay naman akong manood kapag nagbyabyahe pero masyado nang matagal kaya naman medyo masakit narin sa ulo.

Nagising nalang ako nang naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Ngunit dahil sa kaantukan ay tinatamad na akong bumangon.

"Nandito na tayo Ysabela"

Ngumuso ako pero sumuko narin. Bumangon ako at inayos ang magulong buhok. Nahihilo na naman ako at medyo naduduwal pero nagawa ko namang pigilan dahil hindi ito ang tamang oras para masuka.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin kong dala at naglagay narin ng konting make-up para di ako magmukhang matamlay. I also comb my hair and put some hairclips sa gilid. Pinapanood ako ni Mama sa ginagawa at napailing iling nalang siya.

Natawa nalang ako sa kanyang reaksyon at inayos narin ang gusot gusot kong bistida. I'm wearing a white floral dress that fits my curves and white sandals. Pinuri ako ni Manang Gionisia, ang aming Mayodorma bago kami lumawas kaya naman nakakasiguro akong bagay nga sa akin ang suot ko ngayon.

"Don't worry.......i'll call you hija"

Ngumit ako sakanya at ipinakita sakanya na wala siyang dapat ipag-alala dahil kaya ko namang alagaan ang sarili ko.

"Don't worry Ma....i know how to take care of myself"

Ngumiti ito at agad agad niya ako niyakap. Tatlong buwan akong maninirahan dito kaya tatlong buwan din akong magiging responsable sa sarili dahil buong buhay ko si Mama lang ang nandoon para sa akin.

Sabay kaming lumabas at sinalubong kami ng mga katulong. They are all in a complete uniform even the guards are in a formal attire.

Bumati ang lahat sa amin maging ang mga taong napadaan. Tumingala ako sa mansiyong nasa harapan ko ngayon. Ito yung mansiyong mapagkakamalan mong palasyo dahil sa naglalakihang mga pader at ang paligid na sa mga napapanood molang nakikita.

Strange FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon