𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5

21 10 2
                                    


𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀

"Señorita?"

Ilang katulong na ang kumatok sa aking pintuan upang anyayahan ako sa baba para sa party. Pero masyado kong inaalala ang sasabihin ng ibang mga tao. Mas makakabuti nalang kung wag na ko lumabas para makisaya dahil puro panlalait lang naman ang maririnig ko.

"Señorito kanina pa po namin tinatawag si Señorita pero ayaw niya lumabas"

Alam ko kung sino ang kausap ng mg katulong pero hindi iyon ang pinagtutuunan ko ng pansin.

Namumuo ulit ang mg luha sa aking mata dahilan para mas mabasa ang aking unan.

Sa isang iglap bumukas ang pintuan at pumasok ang nag-aalalang si Xavier.

Di naman talaga siya nag-aalala, siguro sesermonan niya lang ako ngayon kase bigla nalang ako umalis ng mansiyon. At bakit andito siya? Nasan na yung babaeng kasama niya.

Tinabunan ko ng unan ang aking mukha upang hindi niya makita ang namamaga kong mga mata. Isang malakas na hikbi ang pinakawalan ko dahilan para takpan ko ang aking bibig.

May inilapag siyang bagay sa mesang malapit lang sa akin dahilan para mapaangat ako ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtitig niya sa akin. Wala namang dapat ikabahala sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngunit para sa akin ay kakaiba ng dating nito.

Tinakpan ko ulit ng unan ang mukha ko at tinalikuran siya.

"Hindi ka dapat umalis ng ganon"

Ipinikit ko ng aking mga mata at pinipilit na wag marinig ang mga salitang sasabihin pa niya.

Sinasabi ko na nga ba, mangsesermon lang to.

"Kumain kana nakaalis na ang mga bisita"

"Hindi ako nagugutom"

Napapikit nalang ako dahil lagi nalang ako napapahiya.

"Umalis kana matutulog nako nandito kalang naman para awayin ako ulit pero wala ka talagang pake kung di pa ko kumain"

Diko alam kung san nanggagaling ang bitterness ko ngayon at diko alam kung bat nagagalit ako.
Ko

He chuckled. Bat parang maganda pakinggan iyon sakanya.

"You silly little girl. You should eat"

Umirap ako kahit di naman niya ko nakikita. Pagkatapos niya kong sinigawan!

"Sorry kung nasigawan kita". Nag I was siya ng tingin pero binalik rin ang tingin sa akin. "I was worried"

Bumilis ang tibok ng puso ko at napakagat sa aking labi. I know he was worried for me dahil obligasyon na niya rin yun dahil mula ngayon iisang bubong nalang kami maninirahan.

Narinig kong bumukas ang pinto at may inilapag na naman sa mesang malapit sa teresa. Mga kubyertos ang narinig ko at pagsalin ng mga tubig sa baso.

"Let's eat"

Namilog ang aking mga mata at napabangon bigla. Is he serious?

"What are you waiting for? "

Umirap nalang ako at lumapit sa mesa. Infairness mabango ang ulam. Umupo na kame at nagsimulang kumain.

Masarap naman ang ulam, kung tutuusin ito yung mga nakikita ko sa mga tv commercials kaya napaisip nalang ako kung gaano sila kadahi.
Kaya lang di ako masyadong kumain dahil nangunguna ang kaba ko. Napansin yun ni Xav kaya kinausap niya ko rito.

"So what are your hobbies?"

Napatingin ako sakanya. Di ko mapigilan ang mapangiti dahil kahit papano masaya ako dahil nag eeffort siyang mawala ang awkwardness.

Strange FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon